Kabanata 30

170 9 0
                                    

A/N: This is the last chapter before the epilogue. Thank you so much for reading. Enjoy!

***

"Oh hayan, bagay na bagay naman pala sa 'yo! Arte mo pa e," ani Zosia habang pinapaikot ako sa life sized mirror.

Isang lace up corset back sequin dress na gold rose ang kulay ang pinasuot niya sa akin. Above the knee ang haba noon at parang kinulang ng tela sa likod dahil halos puro balat ko na ang makikita. Mas gusto ko nga sana 'yong turtle neck dress na below the knee pero parang manang daw ako ro'n. Nginiwian ko na lang siya. Espesyal kasi ang gabing 'to para sa amin. Ngayon ang ika-35th year wedding anniversary ng parents ko at talagang engrande ang naging paghahanda dito. Dito lang naman sa mansyon gaganapin, sa malawak na garden area at piling mga bisita lang din ang inimbita.

"In fairness, ang sexy pa din kahit may anak na." Ngumisi siya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Mas sexy ka pa nga sa akin e kahit may kambal ka na," pang uuto ko kahit totoo naman.

Parang wala din kasing nagbago sa mga katawan namin. Para pa rin kaming mga dalaga. Tumaba lang din ako no'ng nagbuntis ako but after that kusang bumalik sa dati ang katawan ko. Marahil ay dahil sa stress.

"Aba s'yempre naman. Hindi ako p'wedeng malosyang 'no. Baka ipagpalit pa ako ni Priam 'pag pumanget ako." Pumangaywang siya.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Isang off shoulder maroon dress ang suot niya na sobrang hapit sa katawan.

"Sus, kahit naman gumurang ka e patay na patay sa 'yo 'yon," pang aasar ko.

"IKR pero hindi ako gugurang 'no. Ma-i-stress pero 'di gugurang. Period." Umikot ang singkit niyang mga mata.

Natawa na lang ako at inayos ang sarili.

Sa malawak na garden area nagsidatingan na ang mga bisita. Mag uumpisa ang celebration sa pagtugtog ng GZ. Inimbitahan sila ng parents ko para tumugtog ngayong gabi at anila'y marahil ito na raw ang huli nilang performance. Ground Zero is officially signing off. Dahil may kanya kanya na ring pamilya ay napagpasyahan nilang huminto na sa pagbabanda at magtatayo na lang ng isang record label kung saan sila ang magpoproduce ng mga bagong musikero. 

Maraming fans ang natuwa pero mas maraming nalungkot. Sa kasikatan ba naman ng bandang ito ay talagang panghihinayangan. For me okay lang naman 'yon. May parte rin sa akin ang nanghihinayang pero mas malaki ang parte na masaya. Masaya dahil mas magkakaroon na kami ng oras ni Cisum na makasama ang daddy niya. And in speaking of Cisum, ayun siya at masayang nag aabang sa paglabas ng GZ sa mini stage.

"Nagfa-fan girling na naman 'yong anak mo." Siniko ako ni Zosia habang papalapit kami.

"Ganyan ka din naman noon e," panunuya ko.

"S'yempre may mas gagaling pa ba sa Ground Zero?"

Naghagikgikan kami.

Lumapit kami sa harap ng mini stage kung nasaan ang magpipinsang Cisum, Ren, Azami, Ryder, London at Paris. Ang mga anak naman ng mga kuya kong si Ryl at Rheagan ay halos magkakasing edad rin na nagbibinata at nagdadalaga na. Sama sama rin ito sa isang table. Ang mga kapatid ko ay tila nag reunion naman sa isang table kasama ng kani kanilang mga asawa at iilang kabigan. Ang parents ko naman ay nasa isang table din kasama ang grandparents ko sa father side. Namataan ko rin ang parents ni Zosia na sina Tita Kandice at Tito Rad kanina at ang iba pang mga pinsan ko sa father side. Halos lahat ng kamag anakan namin ay nandito na maliban sa pamilya ni Justine.

Nakapagtataka na ni minsan hindi ko pa sila nakilala. Ang sabi lang ni Kuya Axton sa akin noon ay hindi daw basta basta ang pamilya Montenegro. Kung tama ang pagkakaalala ko, nabanggit niyang isa itong elite na pamilya at pribado ang buhay. Si Justine Montenegro daw ay anak ng isang mobster. At ang tattoo niya sa likod ang magpapatunay no'n. Noong una ay hindi ako naniwala dahil parang imposible pero noong ipakita niya sa akin ang tatak ng clan nila ay doon lang ako napatanga. 'Yung tatak kasi no'n ay tatak ng isang sikat na casino hotel sa buong mundo at 'yung tatak na 'yon ay 'yun 'yong nakatattoo sa likuran ni Justine.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon