Kabanata 15

103 12 0
                                    

"How's your alone time together, hmm? Kwentuhan mo naman kami." Kinalabit ako ni Zosia.

Nakatambay kami sa quadrangle habang naghihintay ng panghapong klase. Since magkakaiba kami ng kurso ay iba-iba na rin ang sked namin. Tuwing lunch break na lang talaga kami nagkakasamang tatlo.

"Ano namang ikukwento ko?" nakapalumbabang saad ko.

"About sa sexy time niyo. Saang hotel ba kayo pumunta? And wait, did you guys use protection?"

Pumikit ako nang mariin at matalim siyang binalingan. Kumunot naman ang noo ni Carmilla na tahimik na nagbabasa.

"Hell no! I mean, w-we didn't do that thing." Namumula ang pisngi kong umiwas ng tingin.

Dismayado naman ibinagsak ang balikat.

"Ano ba 'yan. It was your anniversary! Hindi mo man lang pinagbigyan?!"

Napapikit ako at inalala ang usapan namin kagabi. After our awkward silence, I went after him and told him how much I love him. S'yempre, gumaan na naman ang atmosphere at nag asaran na naman kami.

"You know what? Copernicus was wrong, you are the center of my universe. No, you are my universe."

Mga salitang nanuot sa puso ko. Mga salitang huling binitawan niya bago kami umuwi kagabi. I felt happy. Nag uumapaw ang saya ko kahit na medyo na-gi-guilty ako dahil hindi ko nga siya napagbigyan gaya ng sabi ni Zosia. In fact, he apologized. And I thought he was mad. Hindi naman pala dahil inulan niya pa ako ng I love yous sa text kaninang umaga.

"Huy!" pukaw ni Zosia sa akin. "Ngingisi ngisi ka d'yan? Siguro may nangyari 'no?Ayaw mo lang sabibin."

"E ano naman kung may nangyari, Zosia? Tama bang kwestyunin mo pa 'yon?" si Carmilla na tamad na nagpapalit palit ng pahina.

"Oo, kasi bestfriends kami e. Dapat alam ko lahat ng nangyayari sa buhay niya."

"Bakit may nangyari na ba sa inyo ni Kuya Priam?" balik kong tanong.

Hindi naman talaga ako interesado. Gusto ko lang siyang asarin.

Kitang kita ko kung paano umakyat lahat ng dugo sa mukha niya.

"A-Ano?!"

Ngumisi pa ako lalo.

"I thought we're bestfriends? Hindi ko ba p'wedeng malaman?" panunuya ko.

Lumikot ang mga mata niya at tinignan ako nang masama.

"What?" Pinandilatan niya ako.

I shrugged my shoulders.

"W-Wala 'no. Kakasagot ko pa nga lang sa kanya e. E kayo ni Justine, limang taon na kayo!"

Umikot ang mga mata ko at hindi umimik.

"And what's this huh?" Hinaplos niya ang leeg ko. "Ito ba ang walang nangyari? Visible hickeys!"

Hinawi ko ang kamay niya at nag-tsk. Bob cut kasi ang buhok ko kaya madali lang 'yon mapansin kahit nilagyan ko na ng concealer kanina. Sa riin ba naman ng pagkakasipsip niya ro'n ay 'di na kinaya ng concealer at foundation.

"Nag make out lang kami," huminang boses ko.

"Sus! Imposible!" Nanunuyang tinignan niya ako.

Umirap ako at pilit itinago ang hickeys sa leeg ko kahit wala naman 'yong magagawa.

Days went by so fast. Justine and I became busy. Ako sa loads of school works and activities, siya naman ay sa pagbabanda at pag aaral din. Halos hindi na nga kami nagkikita kahit pa nasa iisang university lang kami. Magkaiba kasi kami ng sked, mas marami akong unit kesa sa kanya at kapag wala na siyang klase ay dumidiretso na siya sa studio nila. Sa tower na pag aari ng pamilya ni Claude. Doon sila nag eensayo at gumagawa ng mga kanta. I know and I have witnessed how passionate they were when it comes to music. Halos wala na silang oras sa mga sarili nila at lahat ng libreng oras nila ay nilalaan nila sa banda.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon