Kabanata 21

110 9 0
                                    

I was stunned. Unable to speak. Pati yata pagkurap ay hindi ko na nagawa. Unti unting binabayo ang dibdib ko dahil sa nakikita kong anyo ng lalaki sa harapan ko. Kinailangan ko pang pasimpleng kurutin ang kamay ko para lang masabing totoo ito at hindi lang panaginip. Totoong nasa harapan ko ngayon ang lalaking matagal ko nang hindi nasilayan. Ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakakaraan. Ang lalaking minahal at gusto ko nang kalimutan. He's real and standing straight right infront of me!

Pinasadahan ko siya ng tingin. Isang loose white and blue stripe polo ang suot niya na nakatucked in sa kanyang fitted black jeans. White sneakers naman ang suot na sapatos at maliban sa kanyang diamond earring ay isang gold na relo ang nasa kaliwang kamay ang tanging palamuti sa katawan. He also smells expensive. Mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling panlalaking pabango at hair wax.

Ilang taon na ba ang lumipas at lalo yata siyang tumangkad at...gumwapo?

Makinis pa rin ang mukha niya pero wala na ang dati nitong mestisuhing kulay. Naging moreno na siya at mas lalo pa siyang naging hot sa paningin ko. Ang makakapal na kilay, malalalim na itim na mga mata, matangos na ilong at ang kanyang labi na natural na mapula at walang kangiti ngiti. He's not the same Justine years ago. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya. Mas lalo yatang nadepina ang matitigas niyang kalamnan at lalong tumangkad dahil ang lebel lang ng mata ko ay nasa kanyang sumisilip na dibdib kaya naman kinailangan ko pa siyang tingalain para masalubong ko ang malamig niyang mga mata.

He's very neat and clean while I'm a terrible mess. Ang suot kong denim jumpsuit ay puno na ng pintura. Maging ang mga kamay at mukha ko ay nanlalagkit na rin!

Shit! Nakakahiya!

"Cassie?" Tumaas ang dalawang kilay niya.

Naitikom ko naman ang nakaawang na palang bibig ko. I can't believe na tinawag niya ako ng kaswal lang. Na para bang hindi ito awkward at parang hindi naging kami noon.

Hindi ako nakaimik kaya nagsalita uli siya at ibinulsa ang phone.

"Zup?"

Zup?

Bakit ganito? Kung makabati siya ay para lang kaming magtropa. At ang boses niya...ang boses niya na hindi ko narinig nang matagal ay tila lalong naging buo.

Ibubuka ko na sana ang bibig nang may biglang sumulpot sa likuran niya at inakbayan siya.

"Hey, ba't ang tagal mo? Ang sabi mo may tatawagan ka lang, dude." Nakangisi sa kanya si Aquila.

Hindi sumagot si Justine na nakatingin lang sa akin kaya naman napabaling din si Aquila sa akin.

"Oh, Cassie? Is that you?" inalis niya ang pagkakaakbay kay Justine at itinuro ako.

"Huh?" parang tangang sagot ko.

Ngumisi siya at tumuwid ng tayo. Nilagay niya sa magkabilang bulsa ang mga kamay at natutuwa akong tinignan. Bakas na sa mestisuhing mukha niya ang kalasingan dahil pula na siya at ang amoy ng alak ay nalanghap ko agad.

"Wow, you look even more gorgeous, huh? What's up?" Ngumisi siya.

Kulot pa rin ang buhok ng isang 'to at may kahabaan. Matangkad si Aquila pero mas matangkad si Justine. Tadtad rin ito ng earrings at may tattoo sa leeg.

Hindi na naman ako nakapagsalita dahil tigagal pa rin ako sa nangyayari. Paanong nangyaring narito sila ngayon sa mansyon?!

"And oh, look at you. You're a mess." Humalakhak siya. "Are you painting?"

Tumango lang ako at sinulyapan si Justine na nangangalikot na uli sa kanyang cellphone.

"A-Ano palang ginagawa niyo dito?" sa wakas ay nakapagtanong ako sa gitna ng kabang hindi ko maipaliwanag.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon