"Cas, sa bahay niyo tayo bukas ah? Miss ko na magswimming e." Kinalabit ako ni Zosia nang matapos ang panghapon naming klase.
Sabado bukas at gaya ng "nakasanayan" sa bahay kami lagi tuwing weekend. Kung 'di nag mo-movie marathon at nagbe-bake ay nasa pool area lang kami. Iyon na ang nagsilbing bonding namin mula pa noon kaya lang ay walang kasawaan ang babae.
"Hindi ka ba nagsasawa sa bahay, Sha? Kaka-swimming lang natin last weekend," sabi ko habang nagliligpit na ng mga gamit.
"Ih, ano ba! Gusto ko nga ule e. Saka sama natin si Carmilla at Alisa. 'Di ba, guys?" Baling niya sa mga ito.
Alanganing ngumiti ang dalawa. Tinitigan ko si Zosia. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya umismid siya sa akin.
"Don't tell me may ibang plano ka?"
Lumabi ako. Suminghap siya at mas lalo akong sinimangutan.
"Or should I say, may ibang plano kayo ng boyfriend mo?" Nagtaas siya ng kilay.
It's been two weeks. Dalawang linggo na mula nang maging kami ni Justine. Humupa na ang issue na 'yon pero hindi pa rin mawala wala. Tuwing magkasama kami, nand'yan pa rin ang bulungan pero 'di na gaya noong una. Parang nasanay na rin ang iba na lagi na nga kaming magkasama. Dalawang linggo na pero wala pa kaming matinong date. Noong una kasi hindi siya p'wede dahil may band rehearsal sila. Nang sumunod na linggo ako naman ang hindi p'wede dahil isinama ako ni mommy sa Macau para sa international exhibit ng paintings ni dad. Kaya itong weekend lang na ito ang available day namin pareho. Though may trabaho pa siya as DJ sa isang high end club kinagabihan.
"P'wede naman kayo na lang. Magpapaalam ako kay mommy," pang aalo ko.
"Sus, e nakakahiya naman kay Tita Mommy. Baka sabibin niya ang feelingera naman namin na pumunta do'n ta's wala ka pa," kandahabang ngusong sabi niya.
"It's alright, Sha. Papayag naman 'yon."
Tumunog ang phone ko sa kamay kaya napatingin ako ron. Nagtext si Justine.
: Baby mauna ka nang umuwi. Ako ang inatasang maglinis ng court.:-(
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa but I ended up smiling.
"Hay nako. Nawa'y lahat may jowa. Nawa'y lahat talaga." Padabog na nagligpit ng mga gamit si Zosia.
"Mauna na ako sa inyo ah? Text mo na lang ako Sha kung tuloy kayo bukas." Mabilis ko nang niligpit ang mga gamit ko at tumayo na.
"Date kayo?" nakangising tanong ni Alisa sa likod ko.
Nagpilit ako ng ngiti at tumango na lang. Nasanay na rin kasi sila na sabay kaming umuuwi. At hindi pa naman kami umuuwi pagkatapos ng klase, kung hindi kami kumakain ay naglalakad lakad kami sa mga parke. Uupo sa damuhan at saka niya ako kakantahan. Inihahatid niya rin ako sa bahay pagkatapos. Nahihiya pa nga ako kasi dalawang beses pa siyang babyahe para lang maihatid ako.
No one in my family knows about us except for Kuya Priam. Masyado na rin kasing busy ang parents ko at mga kapatid ko sa kolehiyo. Justine also wants to meet my parents but I still refuse. Fifteen pa lang kasi ako at natatakot ako sa magiging reaksyon nila. I don't want them to think that I don't prioritize my studies. Lalo na si dad. I don't want him to think that I flirt. I don't want him to get disappointed somehow. Naintindihan naman 'yon ni Justine. I just assured him that he'll get to know them eventually when I'm ready.
Mabilis kong nilisan ang building namin at dumiretso sa covered court. Nakita ko nga siya doon na nagliligpit ng mga bola. Pawisan siya at walang pang itaas na damit. Tanging blue faded skinny jeans lang ang pang ibaba niya at puting converse shoes.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...