Kabanata 22

115 9 0
                                    

ALISA MANZANARES.

I can't believe that Alisa, a former classmate and a friend is his girlfriend. I mean how? Paano sila nagkita ulit? Wala na akong balita kay Alisa mula nang grumaduate kami ng Highschool. And I didn't know that she became a supermodel. Hindi naman kasi ako masiyadong nanood ng TV at hindi rin ako aktibo sa social media. Inabala ko lang ang sarili sa pagpipinta sa nagdaang taon. Hindi ko alam na ang noo'y nalilink kay Justine na pinay supermodel ay si Alisa pala.

Alam kong maganda na siya noon pero mas lalo pa yata siyang gumanda ngayon? Kita 'yon sa makinis at medyo golden tan niyang balat, at kung ano'ng ikinaliit ng kanyang baywang ay siya namang kabaligtaran ng kanyang hinaharap. She's like a goddess. Aaminin kong sobrang hot niya sa kanyang maiksi at makintab na buhok.

Ang isiping may girlfriend na si Justine ay parang punyal na tumarak sa puso ko pero ang malamang si Alisa 'yon ay bumaon nang sagad ang punyal na 'yon. Bakit sa lahat ng babae si Alisa pa? Bakit ang babaeng itinuring ko pang kaibigan noon? At bakit 'yon pang pinagseselosan ko noon? Bakit?

"Hi guys!" Nakangisi siyang kumaway kina Claude na nagtaas ng baso sa kanya.

"You're very late, Angel." Ngumisi si Claude sa kanya.

Mahinhin siyang tumawa. "Sorry, traffic e. Kanina pa ba kayo?"

Nakangisi niyang nilingap ang paligid at nang magtama ang aming paningin ay bahagyang napawi 'yon at naging maliit. Walang bakas ng pagkagulat ang mukha at tila ba inaasahan na niyang magkikita kami.

"Oh, I bet you still knew each other. Classmates kayo noon 'di ba?" Itinuro kaming dalawa ni Claude.

Napansin yata ang pagkatigil namin.

"Oh, yes. How are you, Cassie?" Si Alisa na kampanteng ngumisi at umupo sa tabi ni Justine.

"I'm fine," walang kangiti ngiti at matamlay na saad ko.

"Ang tagal na nating 'di nagkita. It's been years, right?" Humagikgik siya.

Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa sinabi niya. Halata naman kasing labas sa ilong 'yon. Peke.

"Yeah, it's been years," si Aquila ang sumagot na may ngisi sa labi. "Tignan mo nga naman. Akalain mong kayo pa ang nagkatuluyan? I thought it will be Justine and Cassie."

Humagikgik ang babae at hinaplos ang braso ng katabi. Si Justine naman ay nakangisi lang sa mga kaibigan habang nakaakbay ang braso nito sa upuan ni Alisa. Ang isang kamay nito ay pinaglalaruan ang alak.

"Ano ba kayo!" natatawang saway ni Alisa.

Nilunok ko ang pait sa aking lalamunan. Heto na naman at nagbabadya ang luha sa aking mga mata. Inalis ko ang tingin sa kanila at nagsalin uli ako sa baso ng alak.

"Why? Masama bang pag usapan? We all knew that Cass and Jus were once a couple, but it's been years, ang tagal na no'n. Mga bata pa tayo no'," pagpapatuloy ni Aquila.

Si Claude naman ay napainom na lang sa kanyang alak.

"Hindi na naman siguro awkward dahil parehas naman silang nakamove on na."

Sinulyapan ko si Alisa na tipid na ngumisi. Pinaglalaruan niya ang kamay ni Justine na nakasampay sa likod ng kanyang upuan.

"Right, Cassie?" Nakangising umakbay uli si Aquila sa akin.

"Oh my, don't tell me pinopormahan mo si Cassie, Aqui?" Natutop ni Alisa ang kanyang bibig.

Hinayaan ko na lang ang kamay niya sa balikat ko dahil wala na yata akong lakas sa mga nakikita ko. I tried my best not to look at them, but my eyes betrayed me. Ang sakit. Sobrang sakit na malamang sila na ngayon. Noon alam ko nang may gusto si Alisa kay Justine. Napapansin ko na 'yon simula pa lang pero hindi ko akalaing darating sa puntong magiging sila. At ako? Isa na lamang parte ng nakaraan.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon