Kabanata 8

115 13 1
                                    

Buwan ang lumipas at naging taon. Hindi ko na namalayang Grade 9 na kami ngayong pasukan. Kuya Axton graduated already and now in college. Sa kolehiyo kung saan nag aral ang panganay naming si Kuya Ryl. Kuya Rheagan is still in PMA. I don't know why he chose to become a soldier. Our family's into business and law. Siya lang sa angkan namin ang napiling magsundalo. Maybe it's a heart's call? Kung ano ang passion mo, 'yun ang mas lamang sa puso mo.

I accelerated in arts. It's a good thing na kasama ako sa club. Actually marami akong natutunan at my age and even if I'm just fifteen, I already know what course to take in college. I once vowed to myself that I would build my own gallery. Iyong masasabi kong akin. Iyong walang kinalaman sa pamilya ko, sa apelyido ko, sa koneksyon nila. Iyong galing sa akin mismo at sa pagsisikap ko. And for me to be able to achieve it, I want to do well.

Unang araw ng pasukan. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad, yakap-yakap ang mga libro ko nang mabunggo ako ng kung sino sa likod ko. Naglaglagan ang mga libro na sabay naming pinulot ng babaeng nakabunggo ko.

"Ay, sorry hehe. Pasensya na hindi ako tumitingin," mahinhin ngunit kabadong tumawa ang babae.

Pinasadahan ko siya ng tingin. May mahaba siyang buhok na hanggang baywang at makapal na bangs. Her eyes are asian, medyo chinita pero bilugan. She has small pointed nose and natural pinkish lips that fit her small heart-shaped face. I must say she's naturally beautiful.

"It's alright." Nagpilit ako ng ngiti.

Sanay na naman kasi ako sa ganito. Binigay niya sa akin ang mga libro at sabay kaming tumayo. Balingkinitan ang katawan niya halos at magkasing taas lang kami. May maliit din siyang backpack na itim sa kanyang likod.

Akma na akong tatalikod nang hawakan niya ang siko ko.

"Pasensya na pero...p'wede ba akong magtanong?" nahihiyang sambit nito.

"Hmm?"

"Ah e, alam mo ba kung saan 'yong Room 402?" Napakamot siya sa kanyang ulo. "Kanina ko pa kasi hinahanap hindi ko makita. Masiyado kasing malaki at malawak 'tong school niyo." Kabado siyang tumawa habang lumilinga sa paligid.

Kumunot naman ang noo ko at ni-head to foot siya. Nakasuot naman siya ng uniporme. Kaya lang...

"Bago ka rito?" I asked.

Nilingon agad niya ako at masayang tumango.

"Oo e. Transferee ako."

Marahan akong napatango.

"Sige, tara," pag anyaya ko. "Room 402 ang klase ko."

Nagningning ang mga mata niya at napapalakpak.

"Talaga?! Yieee...buti na lang. Magkaklase pala tayo."

Nagpilit ako ng ngiti at nauna nang naglakad. Dinaldalan ako ng ate niyo habang binabaybay namin ang daan. Nagkwento siya kung bakit napa-transfer siya. Pinaalis raw ang pamilya nito sa kanilang lugar dahil sa awayan sa lupa kaya no choice sila kundi lumuwas ng maynila. Taga probinsya kasi ang ate niyo at 'di pa sanay sa siyudad. Kung hindi peke ay pilit na ngiti ang iginagawad ko sa kanya. Hindi naman kasi ako interesado pero heto't dinadaldalan niya ako.

"Ikaw si Ms. Manzanares?" tanong ng bagong adviser namin na si Mrs. Amodovar.

'Di hamak na mas mabait ito kaysa kay Mrs. Gonzales. Kaya nga excited ang lahat na siya na ang magiging adviser namin. Hindi kasi siya ganoon ka-strikto.

"Ako nga po hehe. Magandang umaga po." Napatungo siya nang bahagya.

"Magandang umaga rin, hija. Halika, magpakilala ka sa iyong mga magiging kaklase." Sinenyasan itong lumapit sa harap.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon