I thought that was the end of it. Ang akala ko ay titigil na siya nang sabihin ko 'yon pero nagkamali ako. Kung meron mang hindi nagbago kay Justine ay iyon ay ang consistency niya. He was so persistent to win my heart again.
Umagang umaga kinabukasan nang pagbuksan ko siya ng pintuan ay tumambad sa aking mukha ay isang malaking bouquet ng paborito kong yellow tulips. Nang ibaba niya 'yon ay nakangising mukha niya ang sumalubong sa akin. Sa isang kamay ay may hawak siyang boxes of chocolates at tatlong heart shaped balloons.
Humalukipkip ako at ni-head to foot siya. Itim na V-neck shirt at faded jeans ang suot niya at naka-ballcap itong itim din.
"Good morning." Kay tamis ng kanyang ngiti dahilan ng paglitaw ng kanyang malalim na dimple.
"Tulog pa si Cisum," sabi ko na agad dahil umaasa akong ito ang sadya niya ngunit umiling sya.
"This is for you, baby." Inilahad niya ang dala.
Nagtaas ako ng kilay at tinitigan lamang ang mga 'yon.
"Ang akala ko ba nag usap na tayo? Ano na naman ba 'to, Montenegro?"
He chuckled.
"I miss you calling me that. Pakiramdam ko teenager ulit tayo."
Lalong umarko ang kilay ko.
"Look, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," matabang na sabi ko.
Bahagyang napawi ang ngisi niya at naging maliit ito.
"Hindi rin naman ako nakikipagbiruan sa 'yo." Ibinaba niya ang bulaklak na hindi ko tinanggap.
Binasa niya ang labi bago siya nagsalita ulit.
"Cassie, I want to court you again," he declared.
Nanatiling kalmado ang tingin ko sa kanya kahit na naghuhumerantado na naman ang taksil kong puso.
"Wala kang mapapala sa akin."
"I don't care. Remember when I first courted you? Isang taon, Cassie. Pero sumuko ba ako? No. Even when we became official, I didn't stop courting you. And even if I court you for a lifetime, I won't mind. Even in my next life."
Hindi ako umimik.
"Bahala ka." Tinalikuran ko na siya.
Naligo na ako at nagbihis upang makapasok sa Picasso. Hinalikan ko muna sa noo ang anak na mahimbing pa rin ang tulog bago ako umalis. Nang mapadaan ako sa sala ay nandoon na ang mga dala dala ni Justine kanina pero wala na siya. Ang akala ko ay umalis na siya pero paglabas ko ng pinto ay tumambad siya sa akin. Nakapamulsa ito at nakahilig sa kanyang makinang at nag aamoy milyon na silver gray Ford Mustang. Diretso ang seryosong tingin pero nang makita ako ay agad din siyang ngumisi.
"Hatid na kita."
Napabuga ako ng hangin.
"Kaya kong pumasok mag isa." Isinara ko ang pintuan at naglakad palampas sa kanya.
Nang mapansin niyang wala akong balak sumakay ay pumasok siya sa loob at sinundan ako. Napalabi na lang ako at hindi na siya pinansin. Sinundan niya ako hanggang sa makapasok sa Picasso. At ang bruhildo ay nagawa pang pumasok sa studio ko kaya nagambala na naman ang klase ko dahil pinagpiyestahan na siya ng mga estudyante ko.
Hindi magkamayaw sa paghingi ng autograph at picture ang mga bata na kulang na lang masira ang damit niya sa kahihila ng mga ito. Nakahalukipkip ako at napangiwi.
"Sandali. Isa isa lang." Napakamot siya sa kilay habang 'di malaman kung kaninong marker ang kukunin dahil halos ingudngod na nila ito sa mukha niya.
"Ba't ka po nandito, idol?" inosenteng tanong ng isang batang lalaki.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...