"Baby."
Pababa na ako ng hagdanan nang tawagin ako ni Kuya Axton. Nilingon ko siya na pababa na rin at may hawak na gitara?
"Can I ask a favor? Pakibigay naman 'to kay Justine." Huminto siya at inilahad ang gitara na nakabalot sa itim na lalagyan.
Kumunot ang noo at tinignan 'yon.
"Why, kuya? Hindi ka papasok?" I asked when I noticed he was still in laid back clothes.
"Hindi. Lakas ng hangover ko," tamad na sabi niya at nilahad uli 'yon.
Bumuntong hininga ako at kinuha 'yon. Bumaba na ako ng hagdan pero agad napahinto ng may maalala.
"Uh kuya-"
Wala na siya. Pagsara na lang ng pintuan ang narinig ko sa itaaas. I was about to ask who's Justine, but he immediately disappeared. I don't know his friends. None of them is familiar with me. Sa dami kasi ng mga barkada niya ay 'di ko na alam kung sino-sino ang mga 'yon. As if I'm interested though.
Unti-unti akong napabuga ng hangin at nagkibit balikat sa huli. Maybe I'll just ask his classmates instead.
Bitbit ang may kabigatang gitara ay nagcommute nga ako papasok. Everyone eyed me when I entered the school. Nagtataka siguro sila kung bakit may hawak akong gano'n imbes na libro. Pinagmasdan ko ang dala at kinapa kapa 'yon. Sa may bandang malapit sa zipper nakatahi ng puti ang salitang Montenegro. Kumunot ang noo ko do'n. I'm pretty sure I've heard this somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan.
Dumiretso ako sa building ng classroom ni Kuya Axton para magtanong. I want to get rid of this as soon as possible. Ayaw ko namang dalhin ito hanggang sa klase ko.
"Uhm, hi. Sino si Justine? Nandito ba siya?" tanong ko sa babaeng nakahilig sa labas ng classroom nila at nag-se-cellphone.
Umayos siya ng tayo at ni-head to foot ako.
"Justine?" takang tanong niya.
"Oo uhm...sabi kasi ng kapatid ko ibigay ko raw ito sa kanya." Ipinakita ko ang gitara na nakasabit sa balikat ko.
"Wala naman kaming kaklaseng Justine. Are you sure dito niya pinababalik 'yan?" Sminulyapan niya 'yon.
Kumunot ang noo ko at tinignan 'yon.
"Patingin," aniya at kinapa kapa ang gitara.
Bahagya niya pang binuksan ang zipper no'n at sinilip ang loob.
"Oh, kay Montenegro 'to ah?" Sumulyap siya sa akin.
Paanong nalaman niya 'yon sa isang silip lang? At kilala niya?
"Do you know him?" I asked.
She chuckled and zipped it back.
"Of course. Sino'ng hindi makakakilala sa kanya? Ikaw lang yata." Tumawa pa siya.
Slightly pissed off, I raised an eyebrow.
"Kung gano'n saan ko siya makikita? Ano'ng grade?" medyo iritableng sambit ko dahil sa pagtawa niya.
"Grade 9 'yon. Pero baka wala pa sa classroom. Malamang nasa music room sila," natatawang sabi nuya at ni-head to foot uli ako.
Umirap ako at agad nang umalis. Iritado na naman akong pumunta ng music room. E ano kung hindi ko siya kilala? Do I have to know each and every student of this school? Mga kaklase ko nga hindi ko pa memoryado e.
Padabog kong itinulak ang pintuan ng music room dahilan ngpaglingon ng isang lalaking nagbibihis ng pang itaas. Napahiyaw ako at nagtakip ng mga mata. Tumalikod agad ako dahil naaasiwa ako. He's half naked. Hindi ako sanay sa gano'n. Lalo na 'pag ibang tao.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...