Busy ako sa pagdidikit ng mga letrang lobo sa pader nang pumasok si Carmilla dala ang pinabili kong meryenda namin. Pawisan na ako kahit may aircon naman. Nasa isang VIP room kasi kami ng isang high end bar at dinedesenyuhan ang silid para sa fifth anniversary namin ni Justine. Yes. Limang taon na kami. Limang taon na ang nakalipas mula noong sagutin ko siya noong highschool.
"Oh, hindi ka pa rin tapos?" puna ni Carmilla sa akin.
"E kung tinutulungan ba naman ako e 'di kanina pa ako tapos dito," yamot na sabi ko.
Nakita ko ang pagsulyap ni Carmilla kay Zosia na prenteng nakaupo sa sofa, taas paa at nagtetext.
"Hay, ano ba naman kasi 'yan. Tinawagan para tumulong hindi para tumunganga," parinig ni Carmilla kay Zosia na ngingisi ngisi sa harap ng cellphone.
"I can hear you, guys," aniya.
"Hoy Zosia, tumulong ka nga rito para mapabilis!" Padabog na kinuha ni Carmilla ang mga balloons at iniabot sa akin.
Tinawagan ko kasi sila kanina para tulungan akong surpresahin ang boyfriend ko. Ito ang naisip kong paraan para makabawi. Sa nagdaang anniversaries kasi namin, palagi na lang siya ang sumusurpresa sa akin kahit na sobrang busy na niya. Kung hindi candle light dinners, pumupunta siya sa bahay at i-seset up ang kwarto ko nang bongga. S'yempre kasabwat niya ang mommy ko. Yes. Years ago ipinakilala ko na rin siya formally sa parents ko dahil nahuli ako ni mommy na nakikipag I love you-han sa phone. Kaya ayon, wala akong choice kundi umamin. Though hindi naman sila nagalit. In fact, they liked Justine. Halos linggo-linggo niya rin kasi ako binibisita at nakikipagkwentuhan kay mom.
Sa loob ng limang taon marami na ring nangyari. Hindi na namin nakasama si Alisa sa kolehiyo dahil lumipat na daw ito. Kasalukuyan kaming nasa iisang university'ng tatlo. Fine arts ang kinukuha ko. Si Carmilla ay accountancy habang si Zosia ay business management. Pare pareho kaming sophomore. Si Justine naman ay Junior na at kumukuha ng multimedia arts kasama ang mga kabanda niya na mas ahead sa kanya ng isang taon.
Ground Zero's career became wide. They were close to fame and were known for the new internet sensation rising band. Nakilala na rin sila bilang isa sa mga rising social media influencers ngayon. With their original songs which hit millions of views on youtube, and with their million subscribers, hindi na nakapagtataka. Noon pa man nakikita ko na ang unti unting pagsikat nila. At ngayong gabi ang thanksgiving free mini concert nila na gaganapin sa Resort's world Manila bilang pasasalamat sa kanilang solid fans na patuloy na sumusuporta sa kanila at sa kanilang mga awitin. At ngayong gabi rin balak ko siyang surpresahin.
Pupunta ako sa concert without him knowing. Sinabi ko kasing busy ako at hindi makakapunta do'n kahit pa pinilit niya akong pumunta. First free concert niya raw ito at kailangan nandoon ako pero umarte akong hindi kaya ng sked ko. Muntik pa kaming mag away pero sa huli ay nabigo siya at nagtagumpay ako.
"Hoy Zosia, ano ba?! Pagabi na oh. Malapit na magsimula 'yong concert hindi pa tayo tapos dito," iritadong sambit ni Carmilla.
"Oh, wait lang naman. Katext ko pa 'yung love ko e, mamaya busy na naman 'to kaya sinusulit ko lang."
Sinulyapan ko si Zosia na halos mapunit na ang labi sa kakakagat. Baliw pa rin 'to hanggang ngayon. Sa kuya ko pa rin pero hindi na Axton ang pangalan kundi Priam. Yes. Boyfriend na niya ang kuya kong si Priam. Kung hindi ko pa sila nahuling naghahalikan sa bahay namin hindi pa nila sasabihin sa amin. Lahat kami ay nagulat. Maging si mom and dad. Hindi naman kasi namin akalain na magiging sila dahil in the first place, alam ng lahat na si Kuya Axton ang gusto niya. I don't know when it all started, but I'm guessing that it was when Zosia was traumatized when we were fifteen. She was almost violated by some male students when she attended a party. Mula noon hindi na siya iniwan ni Kuya Priam. And from there, I noticed that they became close.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...