Kabanata 23

113 8 0
                                    

Natagpuan ko na lamang kinabukasan ang sarili sa tapat ng condo unit ni Justine Montenegro. Nakapagdesisyon na ako. Kahit pa medyo lutang at masakit ang ulo dahil sa hangover ay buo na ang loob kong sabihin sa kanya ang totoo. Ang totoong dahilan kung bakit kinailangan ko siyang hiwalayan. Kung bakit kinailangan ko siyang iwan.

Maybe if I told him, he would change his mind. Baka lang marealize niya na mahal pa rin niya ako. Na ako pa rin. I know it sounds pathetic, but maybe...maybe he still loves me. I need to know. I need to try. Baka lang naman. Baka sakali.

Ilang oras na yata akong nakatayo sa tapat ng kanyang pintuan pero parang wala akong balak pindutin ang doorbell. Umuurong na naman ang sikmura ko. Ilang beses ko na 'tong pinag isipan pero hanggang ngayon hanggang balak pa lang din ako.

Huminga ako nang malalim na hindi ko na mabilang kung pang ilan. Itinaas ko ang kamay para pindutin ang doorbell nang sa wakas ay nagkalakas loob. Nang tumunog 'yon ay gano'n na lang ang tahip ng puso ko. Pinindot ko uli 'yon dahilan ng pagtambol na naman ng puso ko. Ginapangan na ako ng kaba lalo na noong bumukas 'yon at iniluwa ang lalaking hanap ko.

Magulo ang buhok at nakasuot lang ito ng boxers na napapatungan ng silky robe.

"Yes?" walang buhay niyang tanong.

Inaantok pa ang mga mata niya at halatang bagong gising. Napakurap kurap ako at napalunok. Walang gulat na maaaninag sa mukha niya. Walang pagtatanong. Para bang balewala lang sa kanya na narito ako sa harapan niya ngayon.

"Cassie. What are you doing here?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Uhm." Naitikom ko ang nakaawang na bibig.

Dismayado siyang ngumiwi at akmang sasarhan ako ng pinto nang pigilan ko siya.

"S-Sandali. P-P'wede ba tayong mag usap?" matapang na tanong ko.

Nanatili ang walang buhay na tingin niya sa akin bago niya sinuklay ang buhok at binasa ang labi.

"Tungkol sa'n?"

"T-Tungkol sa atin."

Bumuntong hininga siya. "I'm busy. Next time."

Napanganga ako nang pagsarhan na niya ako ng pinto. Kitang kita sa repleksyon ko sa pinto ang gulat. Malungkot akong napatungo. I'm expecting this to happen, so why I'm still surprised anyway? Alam kong hinding hindi niya ako basta pagbibigyan, pero I thought he's cool? Na okay lang na mag usap kami.

Napabuga ako ng hangin at napasandal sa dingding dahil sa panghihina. Ilang oras din kasi akong nakatayo rito tapos hindi man lang niya ako pinapasok. Ilang minuto lang naman ang kailangan ko pero...hindi niya ako pinagbigyan. Napapikit ako sa sakit na gumuhit sa puso ko. This isn't the first time I've seen him cold towards me, but this is the first time he rejected me. I do understand that he's busy, but I'm only asking for a little bit of his time. Ten minutes or five maybe? Gaano ba kamahal ang oras niya at handa kong ubusin ang ipon ko sa bangko para lang makabili?

"Cassie?"

Napamulat ako sa pamilyar na boses babae na nagsalita.

"A-Alisa." Napatuwid ako ng tayo nang makita si Alisa sa harapan ko.

Nakamaiksi siyang dress na hapit sa kanyang katawan, stilettos at handbag sa kanyang braso. Mula dito ay amoy na amoy ko ang kanyang matamis na pabango. Nagtataka ang hitsura niya na humagod sa akin mula ulo hanggang paa. Mas matangkad pa rin siya sa akin gaya ng dati kahit naka stilettos din ako. Mas maporma nga lang siya dahil ang damit ko ay isa lang simpleng loose white polo na nakatucked in ang harap na bahagi sa aking skinny jeans.

"What are you doing here?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.

It looks like she doesn't expect me here. And why is she here too? Muntik ko nang masampal ang sarili. Of course she's here because she is the girlfriend, Cassie!

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon