"Nililigawan ka na ba no'n?" deretsahang tanong ni Kuya Axton nang sabay kaming kumain ng lunch sa cafeteria after ng game.
"Who?" kunwaring tanong ko bago sumubo.
Nabitin sa ere ang paghigop niya ng sabaw at nag face palm sa akin.
"That Montenegro." He continued eating.
"Nope," mabilis kong sagot.
I know he'll ask about it. Sa paraan pa lang ng pagsipat niya sa akin kanina ay alam na alam ko na. At alam ko ring hindi siya natuwa sa ginawa ng lalaking 'yon sa court.
"You sure?" He lifted his gaze at me suspiciously.
"Of course." Kumunot ang noo ko.
"That's good. You're just fourteen. Bawal ka pang ligawan alam mo 'yan," he said without looking.
"I know that, kuya. Wala naman akong balak magpaligaw," I said as a matter of fact.
"Mabuti naman kung gano'n. That moron. Ang lakas ng loob niya. Even if we're friends, it doesn't mean he can get you too."
"Since when did you two become close?" kunot noong tanong ko.
"Since the first day."
Nagkatinginan kami. He tore off his gaze at me and resumed eating. So I was right. Pero parang ang bilis naman yata?
"But Cassie, do you like him?" maya maya'y tanong niya.
Muntik pa akong masamid dahil sa tanong niya.
"Course not! A-Ano bang klaseng tanong 'yan?!" sabi ko habang hinahagod ang lalamunan.
He looked at me intently as if I'm lying. Totoo naman kasi. I don't like that guy. He's rude. Napakapresko niya sa paningin ko. I didn't like him from the very beginning. Aside from having a playboy vibes, he's naturally arrogant for me.
"Well, good. I know you're somewhat attracted, but you're still young to be courted."
What?
Aapila sana ako nang bigla siyang magsalita muli.
"We're having a victory party in the house. Kami lang na team and some friends of friends. Tell mom to prepare. Baka gagabihin pa ako ng uwi," tuloy tuloy na sabi niya bago uminom ng tubig.
Napatingala ako sa kanya ng tumayo na siya at ginulo ang buhok ko.
"Don't get too close with that punk. Babaero 'yon," aniya bago umalis.
Napaawang na lang ang bibig ko at sinundan siya ng tingin hanggang maglaho siya sa harapan ko.
Later that night, kuya and his friends came to our house as expected. Sa third floor sila tumambay, sa may pool area. Hindi ko na dapat 'yon mapapansin kung hindi ako lumabas ng kwarto ko nang makarinig ako ng sunod sunod na ugong ng sasakyan. I don't know why I went out too. Hindi ko naman sila bisita pero parang ako pa ang sabik na makita sila. Mom welcomed them wholeheartedly.
Hindi naman ito ang unang beses na may pumunta dito na mga kaklase ng mga kuya ko. Kuya Ryl and Rheagan's friends were also here years ago. Parang naging tambayan na rin nila dito dahil nga malawak ang mansyon. It can accommodate almost a whole class. Plus, maraming pagkakaabalahan. Sa third floor kasi ay may malawak na pool, mini bar, gym at library. Kaya hindi na nakapagtatakang dito nila gustong tumambay paminsan minsan.
Saktong pababa ako ng hagdanan namin nang makita kong papasok na sila sa elevator. They are group of maybe 10-15 students, mixed of boys and girls of different ages. Mas lamang nga lang ang boys. Nagtatawanan at nag aasaran sila nang masulyapan ko at hindi ko alam kung bakit may isang tao agad na hinanap ng mga mata ko. I stopped for a while until I saw that pair of deep set eyes. Nasa loob na sila ng lift nang magtama ang paningin namin. His smile faded a bit and looked stunned again. Nakasuot ito ng gray hooded jacket at black worn out jeans. Sa kanyang likod ang kanyang gitara na nakabalot ng itim na lalagyan nito. Hindi niya ako nilubayan ng titig hanggang magsara na ang lift.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...