My head was preoccupied with what Carmilla told me. Hanggang sa pagtulog bitbit ko ang mga salitang 'yon. Though Montenegro assured me that he'd only like me, hindi pa rin kasi ako mapanatag. Lalo na sa nakita kong ayos nila ni Alisa sa library. Marahil para sa iba ay walang malisya 'yon, sa akin meron. Montenegro is my so-called suitor and Alisa is my new...yeah, friend. At ang makitang magkasama sila nang sila lang sa library at mukhang masaya ay ibang usapan na.
I don't know why I'm still bothered about it, and I don't know why I'm still thinking about it either. Iniisip ko bang posible kami ni Jus-Montenegro?
I sighed again for the nth time.
At kung bakit siya na naman ang laman ng utak ko ay hindi ko alam. I noticed that I've been thinking so much about him lately. Hindi ko rin alam. Bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa utak ko, lalo na kapag nakakarinig ako ng musika. Be it on the bus or in our house. Ang boses niyang kasing lamig ng yelo ang una kong naaalala. And when I close my eyes, I feel like he's just there, singing closely for me. At tuwing ginagawa ko 'yon ay napapangiti na lang ako.
Bumuntong hininga uli ako dahilan ng paglingon ni Carmilla sa akin.
"Got a problem?" she asked.
I shook my head.
"Kanina ka pa bumubuntong hininga d'yan."
"Tinatamad lang ako, Carmilla." Pumangalumbaba ako sa aking silya.
Wala pa ang guro namin sa unang klase kaya heto't tinatamad ako.
"Mamayang hapon na pala ang final game ng Handsome tigers ah? Manood tayo?"
Nilingon ko siya. She's talking about the championship game sa basketball na na-i-postpone last year. Nagkainjury kasi ang isang miyembro ng kabilang school at buwan ang kailangan para makapaglaro ulit. Wala naman silang maipapalit kaya napagdesisyunang ipostpone na lang 'yon.
"Mamaya na ba iyon?" tanong ko.
"Yep. Pag nanalo ang school natin, champion na tayo."
Hindi ako umimik at bumalik sa pagkakapalumbaba.
"So ano, punta tayo maya ah?"
"I'm not sure." Bumuntong hininga ako.
"Huh? Why? Don't tell me tinatamad ka?" Humalakhak siya.
Honestly no. I'm more nervous about my feelings towards that guy. I don't want to confront myself because I know what the answer is. Nasa malayong sulok 'yon ng utak ko pero habang tumatagal ay unti-unti itong lumalapit sa realization ko. And I don't like it.
"Basta pumunta na tayo! Para na rin mabakuran mo na 'yung star player." Humahikgik siya. "I'm sure dadagsain ng mga ahas 'yon. Lalo na 'yung pinakamalaki? Naku, malamang malakas ang kamandag no'n!"
Tamad ko siyang binalingan gamit ang mga mata. Hayan na naman siya sa mga ahas ahas na 'yan.
"Ano bang gusto kong tumbukin? Kahapon ka pa ah?" Nagtaas ako ng kilay.
Humalakhak siya at naiiling na nagbuklat ng libro.
"Don't play dumb, Cassie. Alam mo kung sino'ng ahas ang tinutukoy ko."
Bumuntong hininga ako at hindi na umimik.
The game is set to begin at 1 p.m kaya naman 11 a.m palang marami nang tao. Supporters from the rival school and from other schools too. At dahil sa event ay half day lang kami ngayon.
"Oh Cassie, halika na mawawalan na tayo ng uupuan!" Inabutan ako ni Zosia ng dalawang pahabang balloons.
Sinulyapan ko siya na may dalang pompoms. Si Carmilla at Alisa ay balloons din ang hawak. Kinaladkad agad ako ng babaita matapos ibigay 'yon sa akin. Sa malawak at sosyal na covered court ay kanya kanyang upo na ang mga estudyante. Sa kanan ang pwesto ng school namin at sa kabila naman ang supporters ng kalaban.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomansaEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...