Tinotoo nga niya ang sinabi niyang babalikan niya ang anak. Alas siete ng gabi nang madatnan ko uli siya sa ro'n. Nakaupo sa couch at tahimik na nakamasid kay Cisum. Sa bedside table ay may isang bouquet ng yellow tulips at sa coffee table naman ay may mga pagkain na nakapaperbag, basket of chocolates, gummy bears, lollipops at kung ano-ano pang matatamis. Halos mapuno na rin ang silid ng nakalutang na heart shaped pink balloons sa mababang kisame. Nagmistulang may party tuloy sa loob.
"Ano'ng nangyari rito? Ba't may mga ganyan?" Tinuro ko ang mga 'yon nang makapasok.
Kakauwi ko lang kasi kaninang six pm upang makaligo at makapagdala ng damit ng anak ko. Pinalitan ko ang noo'y nagbabantay na si mommy pero wala na rin siya sya ngayon.
"That's not for you, that's for her," seryosong boses niya.
Nakahalukipkip ito sa upuan at nakabukaka. Fresh na fresh din siya sa kanyang black T-shirt na may print at faded blue jeans. Mukhang kadarating lang din.
"Alam ko. Nagtatanong lang naman ako. Napansin ko lang kaya hindi naman siguro masamang magtanong." Umirap ako at dumiretso sa hospital bed.
Nilapag ko ang hawak na duffel bag sa ibaba at pinagmasdan ang tulog pa ring anak. Maamo ang mukha at banayad ang paghinga. Ang sabi ng doktor, maaari na siyang magising anytime soon. And it will take a month to fully recover. Nakakapanlumo. Napakabata pa ng katawan niya para danasin ito. Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi. Wala akong kwentang ina dahil napabayaan ko ang anak ko.
"May I know the reason why she have to suffer like that?"
Napatungo ako sa tanong ni Justine. Guilty ako at alam kong may kasalanan ako kung bakit nangyari sa kanya 'yan. Kung sana lang hindi ko inuna ang trabaho, nabantayan ko sana siya.
"Aksidente ang nangyari. N-Nahulog siya sa burol doon sa rancho nina Zosia."
"What?" Nagtagis ng ngipin niya nang tumingin sa akin. "How?"
Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang munting kamay ng bata na may suwero.
"Pumunta sila ro'n this weekend para makipaglaro sa kambal ni Zosia. Nalingat lang siya sandali at pagbalik niya wala na ang magpipinsan. Nasa itaas na pala sila ng burol at naglalaro. Aksidente daw na nahulog si Cisum-"
"At nasaan ka noong mga panahon na 'yon?" seryosong tanong niya.
Napapikit ako at napalunok.
"Nasa Cebu ako. Inaasikaso ko ang Nova-"
"Mas inasikaso mo pa 'yan kaysa sa anak mo?" tiim bagang niyang sinabi, hindi makapaniwala.
Nilingon ko siya at sinalubong ang seryosong mukha niya. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay.
"Hindi ko naman alam na mangyayari 'to e. Nakasanayan na rin kasi nilang mamasyal doon tuwing weekend kaya-"
"Kaya nagpakampante ka."
Naitikom ko ang bibig ko at nag iwas ng tingin.
"Mas mahalaga ba talaga sa 'yo ang business kaysa sa anak mo?"
"Huwag mong kukwestyunin ang pagiging ina ko." Marahas ko siyang nilingon.
Hindi siya umimik.
"Dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko habang pinapalaki ko siya nang mag isa," mariin ang pagkakabigkas ko sa huling salita.
"We both know that I didn't know that I got you pregnant at that time-"
"You didn't want to know-"
"You still hid it through the years."

BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...