Malakas na dumagundong ang hiyawan ng mga tao sa loob ng gymnasium nang magsimula na sa kanilang opening song ang bandang Ground Zero. Ito ang unang araw ng yearly sports fest. Siko, sampal, tulak at batok ang natatamasa ko habang nagwawala ang mga kasama kong nagtatatalon at nagwawagay ng mga pahabang balloons sa bleachers. Ako lang kasi ang nakaupo at halos lahat ng estudyante ay nagtatatalon sa tuwa.
"I love you Ground Zero!"
Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang narinig 'yon. Kaliwa't kanan kasi ang hiyawan. Magkakahalong pangalan 'yon ng miyembro ng banda.
"What's up?!" malakas na sigaw ni Montenegro kasabay ng pagsabog ng mga fire crackers sa harapan ng stage.
Dumagundong na naman ang hiyawan at pagwawala ng mga estudyante lalo na nang maaninag na ang bokalista sa gitna kasabay ng intro ng isang pop rock song.
The band members are wearing all black T-shirts with different prints. Except for the vocalist, who wears a sleeveless. Ganyan ang pormahan niya. Parang laging naiinitan. For all I know, he only wanted to expose his hard biceps. He's just fifteen, I guess, but his body is well toned. Mukhang sanay sa work out.
Kinuha niya ang mic sa stand at pumaharap. May itinuro siya kung saan at ngumisi. Lalo tuloy dumoble ang nakukuha kong hampas at batok dahil sa pagngisi niyang 'yon. Lumitaw lang naman kasi ang malalim niyang dimple na kinababaliwan ng marami.
"Let me hear your scream Hopewell High!" sigaw niya at itinutok ang mic sa harap.
Naghiyawan naman ang mga manonood na animo'y mga alipin niya. Yeah. Maybe they were under his spell. His charming spell. He can manipulate the crowd so easily. Iyon ang kaibahan niya sa mga ibang banda na napanood ko na. There's something in him that I can't pin point. Or maybe it was his natural charm.
"Alright. This song is dedicated to the girl I'm starting to like." Humalakhak siya nang bahagya at bumalik sa kanyang pwesto, kinuha ang bass.
Isinabit niya ito sa kanyang balikat at nilagay ang mic sa stand. Lalong nagwala ang crowd sa sinabi niyang 'yon. He we go again with those lines. Wala namang nakakakilig do'n pero itong mga babae ay halos maglumpasay na sa semento.
He strummed his white bass harshly and another set of fire crackers exploded infront of the stage.
"Tell your goodnight to the light and close your eyes..."
Naghiyawan na naman ang lahat nang marinig ang malamig niyang boses. Pikit mata at may ngiti sa labi niyang kinakanta ang lyrics.
"There's a better place for you than to stay awake
You'll get closer to a paradise of dreamers in love
You'll get better like heaven has done something...""So lay now...
Hear me all through the night
There's no teardrop
You can count on me tonight
Or I'll stay up with you..""Baby it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight.."Tumalon talon ang mga tao at ang naghiyawan. Halos mabingi ako sa lakas no'n at kulang na lang ay magiba ng hiyawan ang buong gymnasium! Ganoon kalakas ang audience impact nila.
"Cover you with my arms and hold you tight
I'll be listening to your wonderful and calm little voice
I'll keep watching 'til my eyes burn down."Tumingin siya sa banda namin nang bigkasin niya 'yung huling verse ng kanta kaya naman lalo akong nahilo sa pagyugyog ni Carmilla at Zosia sa akin.
"So lay.... now.."
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...