Hindi ako pumasok sa Nova at Picasso nang sumunod na araw. I feel drained. Wala ako sa huwisyo at kulang na kulang ako sa tulog. After our conversation yesterday, I couldn't seem to focus on anything. Para akong nakahithit ng isang kilong shabu dahil sa kalutangan. Maybe Alisa's right. Wala na nga ako sa katinuan. I'm daydreaming.
Nangangarap na mahal pa rin ng lalaking mahal ko. Nangangarap na p'wede pang ayusin ang dapat ayusin where in fact, matagal nang tapos 'yon. Justine knew everything that has happened. Pero hindi man lang niya ako kinausap tungkol do'n. He let me think that he didn't know everything. Pero bakit? Totoo nga kayang natanto na niyang tama ang naging desisyon ko? Na kung hindi dahil sa akin ay wala siya sa kinatatayuan niya ngayon? And if yes, has he already moved on? Talaga bang mahal na niya ang Alisa na 'yon?
"Aga niyan ah?" puna ni Zosia sa hawak kong wine glass sa ibabaw ng mesa.
Kapapasok lang niya sa kusina at nagbukas ng fridge. Para kasi akong baliw na nakapalumbaba at nakatitig sa kawalan.
"May problema?" tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
"Malaki," nanghihinang sambit ko.
"Mukha nga. Ilang araw ka nang down. Ano'ng problema? Wanna share?" Sumimsim siya sa baso at naghila ng upuan sa tapat ko.
Sinulyapan ko siya. Hindi ko alam kung maasahan ko ang isang 'to pero kahit papaano gusto kong may makausap.
"Ano'ng gagawin mo kung gusto mong bumalik sa 'yo 'yung taong mahal mo pero ang kaso, may mahal na itong iba?" Tumitig uli ako sa kawalan.
Natahimik kaming dalawa at matagal bago niya ako sinagot.
"E 'di palalayain ko na."
Nagkatinginan kami.
"Kung may mahal na pala siyang iba e 'di palalayain ko na, Cassie. Gano'n lang naman 'yon. Bakit ko siya pipilitin sa pagmamahal ko kung wala naman na talaga? Hindi naman ako magiging masaya kung gagawin ko 'yon 'di ba? Hindi ako magiging masaya kung ako lang ang nagmamahal."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Bakit parang may hugot siya doon sa sinabi niya? I remember her love story with my two brothers. Si Axton ang tingin niyang mahal niya noon dahil wala siyang maalala pero ang hindi niya alam ay patay na patay siya kay Priam. I remember her getting mad at Priam when mom mentioned Axton's wedding with Ate Xam back then. Pero itong sinasabi niya ngayon ay parang may laman.
Bumuntonghininga ako at sumimsim sa red wine.
"Paano mo ba malalaman kung mahal nga niya 'yon?" tanong ko.
"With their gestures. Sa kilos at gawa, Cassie." Pumangalumbaba siya.
Naalala ko ang gestures nina Justine at Alisa. Their eyes sparkle happiness. Pero totoo nga kaya 'yon?
"E paano mo naman malalaman kung mahal ka pa rin niya?"
"Hmm...through his heartbeat?"
Nagtaas ako ng kilay. Paano ko naman gagawin 'yon?
"Si Justine Montenegro ba 'yan, Cassie?" Ngumuso siya.
Tumango ako at uminom.
"Hmm...you know what? I think he's still in love you."
Napasulyap ang mga mata ko sa kanya.
"I can feel it. Kaya huwag kang sumuko."
I sighed.
"Pampalubag loob ba 'yan?"
"Nope. Pero seryoso. Ito lang ang masasabi ko sa 'yo. Show him how much you love him. Show him how much you wanted him back in your life. And if he rejected you again, let him. Let him reject you all over again. Let yourself hurt. Let yourself take all the pain. Exhaust yourself if needed. Exhaust yourself until you no longer feel the pain. And after that, move on. You deserve self-worth."
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...