SILI. Kasing pula na ng sili ngayon ang mukha ko dahil sa narinig. Lalo pa't parang tinakasan na yata ng dugo at kaluluwa ang katawan ko. Nakabibinging hiyawan ang dumagundong sa buong eskwelahan matapos niyang sabihin 'yon. At kahit sa labas ay dinig na dinig ang tilian ng mga estudyante. Hilong hilo ako sa pagyugyog ni Zosia at iba pa sa balikat ko. Ginapangan ako ng hiya at kaba at the same time dahil hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon! The fact na hindi lang ako ang nakarinig kundi buong eskwelahan! Ipinagsigawan niyang gusto niya daw ako!
I never expected that. Ni sa panaginip hindi ko maimagine 'yon. Binabara at sinusungitan ko siya at sa pagkakaalam ko hindi kami close kaya paanong nagustuhan niya ako? Or kung gusto niya ba talaga ako o nangtitrip lang ang loko.
"Shit Shit Shit! Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko!" Pumitik at impit na tumili si Zosia sa tabi ko habang pababa kami ng building.
"Yay...swerte naman this girl." Kinurot naman ni Carmilla ang tagiliran ko at sabay silang humagikgik.
Umirap ako at bumuntong hininga. Namumula pa rin ang pisngi ko lalo na't pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Like what I've said, I don't like attention. Mas gusto ko na itinuturing akong hangin kaysa 'yung ganitong pinag uusapan. Kasalanan kasi 'to ng mokong na 'yun. Idinamay pa niya ako sa mga kalokohan niya.
People started to crowd us. Nagtatanong kung narinig ko daw 'yon at ano ang masasabi ko. Hinarangan pa nila kami para usisain. I felt uncomfy all of a sudden. Hindi kasi ako sanay sa ganito. The girls are excited of what I'm about to say but in the end, I just ignored them. Wala naman kasi akong nakikitang rason para sagutin sila. What if he likes me? Do I need to say I like him too when it's clearer than the sun that I don't like him at all. Nababanas ako sa kanya at sa mga pinaggagagawa niya. He's so manipulative. Ginagamit niya ang kasikatan niya sa akin and I don't like it.
The following day, I gathered all my courage to go to school even if my knees start to tremble. Hindi pa rin ako tuluyang naka-get over doon sa nangyari but somehow I wanted to show that it's just nothing to me. Iyon nga lang ay nahihiya ako sa mga teachers at iba pang members ng school administration. Paniguradong sisitahin ako dahil alam kong damay ako doon kaya lang nakapagtataka na wala man lang nagpatawag sa akin noong araw na 'yon. Though busy, hindi makakatakas sa paningin ko ang bulungan at hagikgikan tuwing mapapadaan ako.
Nice. Instant celebrity.
Sa isang maliit naming booth na ako dumiretso para makatulong. Napansin kong hindi lang pala kami ang may pagimik ngayon. Even students from different levels had their own.
"Oh, ke aga aga nakabusangot ka," pambungad ni Carmilla sa akin sabay abot ng maliit na basket.
Tinignan ko ang laman no'n. Nakarolyong black shirts na may may prints ng puting tatak ng pangalan ng school namin. Kasama nito ang mga puting wrist bands at headbands.
"Smile ka naman d'yan, Cass. Alulululuh. Di ka ba inspired?" Makahulugan siyang ngumisi.
I sighed and rolled my eyes.
"Saan tayo magsisimula?" paiba kong tanong at sinulyapan ang dala niya.
Ganoon din ang laman no'n maliban sa iilang nakasingit na candies at chewing gums.
"Maghihiwalay tayo para mabilis." Sinulyapan niya ang dala niya.
"Nasaan na ba 'yung iba?" Iginala ko ang mga mata.
"Nauna na sila. Nasa volleyball 'yung iba. 'Yung iba nasa soccer."
Tumango ako at sinulyapan siya.
"So saan tayo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...