Mula noong araw na nag-confess ang mokong na 'yon ay hindi na ako tinantanan ng kabi-kabilaang bulungan. They were still curious about us. Some even try to get close to me to get a scoop. Para kasing wildfire 'yon na kumalat nang mabilis. And I thought, after hearing him that he won't court me, it would be the end. Kaso iba ang nangyari. Mas lumala pa yata ang spekulasyon na nililigawan nga ako ni Montenegro dahil sa mga pinaggagagawa nuya.
"Ay wow, napakaconsistent talaga ng manliligaw mo," nakangising sabi ni Zosia habang pinagmamasdan namin ang kumpol ng bulaklak sa ibabaw ng armchair ko.
As far as I remember, this is the tenth bouquet. For ten days straight, walang palya 'yon. Araw-araw na lang na may nadadatnan akong bulaklak sa ibabaw ng armchair ko. At dahil nga doon, mas lalo akong pinagusapan. Mas lalong naging usap usapan ang panliligaw daw niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at kinuha 'yon.
"Sa'yo na." Isinaksak ko 'yun sa dibdib ni Zosia.
Humalakhak siya at niyapos 'yon. Umupo na ako sa upuan ko at naghalungkat ng mga gamit.
"Grabe ka talaga. Punong puno na 'yung bahay namin ng bulaklak e. Ba't ba ayaw mong iuwi 'to? Sayang naman kung itatapon. Mukha pa namang mahal."
"And why would I accept those?" Nagtaas ako ng kilay. "If I do that, it means I'm allowing him to court me."
"Oh e kahit naman 'di mo tanggapin e aber nililigawan ka naman talaga no'n."
"I didn't give him my permission yet," ani ko habang abala sa pagbuklat sara ng mga notes ko.
"Yet? So you mean, may balak kang pumayag na ligawan ka niya?" Humagikgik siya.
"That's not what I meant. I mean, I will never give him permission," lusot ko.
Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit 'yon ang nasabi ko.
"Ay sus. Kunwari ka pa, bes. Bet mo din naman 'yan e. Nagpapakipot ka lang," aniya habang hinihele ang bulakalak.
Matalim na tingin ang iginawad ko sa kanya.
Hindi lang natatapos sa ganoon ang kalokohan niya. Every time he sees me, he always comes near me. May kasama man ako o wala.
"Hey, Cassie. Ako na magbibit niyan." Akma niyang kukunin ang mga libro kong dala nang ilayo ko ito sa kanya.
"Ako na." Matalim na tingin ko sa kanya. "Bakit ka naman kasi nandito?"
Napatawa siya at napakamot sa pisngi.
"I'm just trying to help you, you know."
Palihim na siniko ako ni Carmilla. Kahit nagbabasa ito ng libro sa gilid ko ay alam kong nakikiusyuso siya sa amin.
"I don't need your help, Montenegro," mariing sabi ko.
"Whoa, nasaan na 'yung Justine mo?" Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang aming paningin.
Hinawi ko ang kamay niya at tinignan siya nang masama.
"Ano ba! Asa ka naman na tatawagin kita uli sa pangalan mo," inis na sambit ko.
Humalakhak siya at napahimas sa batok. Sumunod siya sa amin hanggang sa library time. Sa araw-araw niyang pagbuntot sa akin ay nasanay na rin ako. Nagsawa na rin akong suwayin siya dahil kasing tigas ng bato ang bungo niya. Hindi niya alintana ang mga tao na pinagtitinginan at pinag uusapan kami. Meanwhile, I'm starting to get irritated.
"Baby, libre ka ba sa weekend? Can I take you out?"
Sinulyapan ko siya nang matalim sa harapan ko. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa lamesa at pinaglalaruan ang isang rubber band habang bahagyang nakadungaw sa akin. Palihim akong sinipa sa paa ni Carmilla na nagbabasa ng libro.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...
