"Congratulations, Ms. Esquivel. You did a very good job. The event was very successful. I love your artworks by the way." Kinamayan ako ni Ms. Cullen, ang isa sa mga organizer ng art exhibition na dinaluhan ko dito sa New York.
She was also the one who invited me via e-mail to attend the annual exhibition. Nakita niya raw ang isa sa mga ginawa kong art online. Ipinost raw ito ng kung sino at nang tanungin kung sino'ng artist ang gumawa ay agad niya akong kinontak.
"Thank you so much, Ma'am." I smiled sweetly.
"I suggest that you join Italy too. I'll help you with that."
"Thank you so much, but I'm sorry. I'm afraid I can't join that event. I'm going to have my flight tonight back to the Philippines.".
"Oh that fast? What's the rush?" Ngumisi siya.
"I miss my family," tipid kong sagot.
Totoo naman kasi 'yon. Ilang buwan na akong nasa New york at gustong gusto ko nang makita ang pamilya ko. Namimiss ko na sila.
"I guess you already made up your mind. But anyways, thank you for coming. I look forward to meeting you again, Ms. Esquivel."
"Yeah, we'll be looking forward to that."
"Anyways, nice tats huh?" aniya sabay tingin sa daliri ko.
Napatingin rin ako sa tattoo ko sa palasingsingan. Hanggang ngayon nandito pa rin 'to. Our couple tattoo. Sinubukan kong ipaalis na 'yon noon pero laging nauudlot.
Malungkot na lang akong nangiti. It's been years since we last saw each other. Mula noong may nangyari sa amin sa condo niya, hindi na siya nagpakita sa akin. I tried to find him and talk to him, but he suddenly disappeared. The same year nalaman ko na lang na nakalipad na uli ang Ground Zero sa London. Sinubukan ko siyang itext at sinabing maghihintay ako sa airport noong gabing palipad na sila. Gusto ko lang naman siyang makausap at tanungin kung mahal niya pa rin ako pero ni kahit anino niya hindi nagpakita. Umiyak lang ako nang umiyak sa airport hanggang sa mapagod ako.
Realizations dawned in me. Maybe his answer is no. It's a clear no. Ako lang naman ang nagpupumilit. Ako lang ang umaasa. I took Zosia's advice. Pinagod ko ang sarili ko sa pag iyak at pagmamahal sa kanya upang makabangon na ako at makamove on.
What I've realized is that sometimes all you have to do is forget what you feel and remember what you deserve. Yes. I've realized my self-worth. Tama si Zosia. Isipin ko rin minsan ang sarili ko at ang nararapat sa akin kesa sa nararamdaman. Kaya heto ginugol ko ang apat na taon sa pagpipinta.
I traveled to exhibit my artwork, and the funds I was earning were used to expand my gallery. May branch na rin ito sa Cebu at Davao. Masasabi kong may nagawa pa rin ako sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko. I used that to lift myself up. Sabi ko nga, hindi na mahalaga pa ang nararamdaman ko. May mga bagay pang mas mahalaga doon. Iyon ay ang sariling kahalagahan. I also believe that once you learn how to be happy, you won’t tolerate being around people who make you feel anything less.
Alas siete NYT ang flight ko pabalik ng pinas at tanghali na ang lapag ko kinabukasan doon. I've already informed everyone about it. They were so excited to see me too. Lalo na si mom. Umiiyak pa siya kanina habang kausap ko siya sa telepono. Namimiss na niya raw ang bunso niya. Hanggang ngayon ay spoiled pa rin ako ng parents ko kahit pinipilit ko nang maging independent. Ganon yata pag pamilya. Mahal ka sa kabila ng lahat ng pagkakamali mo.
Though hindi ko naman matatawag na pagkakamali ang sobrang pagmamahal, minsan lang kailangang huwag isagad. 'Yung sakto lang dapat. 'Yung meron kang ititira sa sarili mo. Dahil once na naibuhos mo na lahat sa isang tao, mauubos ka at masisira sa huli.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...