Graduation gift from a friend
"Eto sa tingen mo bagay sa akin" tanong ni Gelo kay Oyence habang hawak ang isang polo shirt na white.
Nasa isang mall ang magkaibigan at kasalukuyan silang nag-wi-window shopping. Kasama nila sina Jules, Luigi, Jeff at Ed.
"Bagay na bagay sayo yan sir" sabat ng sales lady ng dept store.
"Talaga Miss?" tuwang tuwa na tanong ni Gelo
"Anong bagay!?" tugon naman ni Oyence "Eh halatang maitim ka dyan sa kulay na yan"
"Kayumanggi ako, hindi maitim" protesta ni Gelo
"Kahit ano pa tawag mo dun" mabilis pa na tugon ni Oyence "Hindi pa rin bagay sayo ang kulay nyan polo na hawak mo"
"Eh ano bagay sa akin?" naka-pout ang nguso ni Gelo nang itanong ito sa kaibigan
"Eto oh" sagot ni Oyence sabay abot ng Gray na T-Shirt kay Gelo
"Gray?"
"It's light gray" Oyence pointed out
"Eh mas lalo ako naging maitim sa kulay na yan"
"Bagay nga sa kulay mo ito eh" tugon ni Oyence
"Eto ang mas bagay sa akin" pagpipilit pa ni Gelo sabay dampot muli ng white polo shirt
"Eto" pagpipilit ni Oyence
"Eto" tugon ni Gelo
"Eto" sabe ni Oyence
"Eto sabe eh" tugon ni Gelo
"Ito nga" pagpupumilit ni Oyence
Pinagtitinginan na sila ng ibang customer at mga sales lady.
"Tumigil na nga kayong dalawa dyan" awat ni Ed "Tara na, di naman kayo bibili nag-aaway pa kayo"
"Bibili....." tugon ni Gelo ngunit pinigilan sya magsalita ni Jeff gamit ang kamay nya na itinakip sa bibig ni Gelo sabay akbay dito
"Tara na sabe" tugon ni Jeff "Pasensya na miss sa kakulitan ng dalawang 'to"
Lumabas na sila sa dept store para pumunta sa WOF(World of Fun) .
"Bump Car tayo" yaya ni Gelo
"Magandang idea" pag sang-ayon ni Oyence sabay akbay sa kaibigan
"Ako dapat ang magda-drive" sabe ni Gelo
"Anong ikaw?" mabilis na protesta ni Oyence "Ako ang dapat magdrive"
"Ako dapat kasi mas bata ako" pagpupumilit ni Gelo
"Ako nga dapat kasi ako ang mas matanda sa atin" pagsalungat ni Oyence
"Eh bakit di kayo mag tig-isa" suggestion ni Luigi
"Sige para yari ka sa akin" Gelo smirked kay Oyence
"Tingnan natin kung sino ang kawawa sa atin dalawa" sabe ni Oyence
"Sige padamihan kayo ng pagbangga" sabat ni Ed "Ang pinakamadaming beses na mabangga ay talo"
"Ang matalo manlilibre ng Softdrink mamaya" sabe ni Jeff "Kami ni Ed ang taga score"
"Sige ba" mabilis na pagsang-ayon ni Gelo
"Haha" Oyence smirked "Ihanda mo na ang pampa-softdrink mo"
Sumakay nga ang grupo nila sa bump car. Si Oyence at Jules ang magkasama sa isang car, si Gelo at Luigi naman ang magkasama sa isang car sina Jeff at Ed.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...