Chapter Thirty Six

68 11 5
                                    

True Friends


"Nangangalay na rin ba kayo?" tanong ni Gelo kina Carl at Joel.

Kasalukuyang naka lambaras sina Gelo, Joel at Carl sa sanga ng isang puno sa likod ng classroom nila. Pinarusahan sila ni Mr. Catacutan dahil naglalaro sila ng Sipa sa loob ng classroom at aksidenteng nabasag nila ang isang fluorescent light. Mahigit isang oras na sila sa ganoong posisyon.

Halos palapit na ang pagtatapos ng school year kaya medyo di na masyado abala ang mga Estudyante. Kaya nung wala yung Teacher nila Gelo sa Math subject nila ay naglaro sila ng sipa. Nang sipain ni Carl yung tingga ay aksidenteng tumama ito sa Fluorescent, dahilan para mabasag ito at nagtilian ang mga babaeng klasmeyt nila. Eksaktong nagkaklase sa katabing room si Mr. Catacutan. Nang marinig nya ang tilian ng mga babaeng klasmeyt nina Gelo ay agad itong nagtungo sa silid nila. Nang malaman ang insidente ay agad silang pinarusahan.

"Oo" sagot ni Joel. "Masakit na ang braso ko"

"Ako yung kamay ko parang mapupunit na" sabi naman ni Carl.

"Baka pwede naman kayo magpahinga kahit saglit lang" sabi ni Bryan na kasalukuyang pinapanuod sila kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.

"Hahaha" Tawa ni Dave. "Sobrang malas nang inabot nyong tatlo. Buti na lang di ako sumali sa inyo"

"Nakuha mo pang tumawa" galit na sabi ni Allan. "Dapat sayo ikaw ang ibitin nang patiwarik dyan sa puno eh"

"Relax inaaliw ko lang sila para di nila maisip ang sakit" tugon ni Dave.

"Magpahinga muna kayo habang wala si Sir Catacutan" sabi ni Ben.

"Di pwede baka lalo sila malintikan pag nakita silang nagpahinga" sabi ni Rod.

"Bad trip kasing mga kaklase natin babae" sabi ni Nathan. "Kung hindi sila nagtilian hindi malalaman ni Catautan yung nangyare"

.

.

.

Maya maya ay dumating si Owhyn.

"Oh bakit kayo nandyan?" tanong ni Owhyn kina Gelo.

"Pinarusahan sila ni Catacutan" tugon ni Ben.

"Nabasag kasi nila yung ilaw sa classroom" dagdag pa ni Bryan.

"Tangina kanina pa nga sila nakaganyan eh" galit na sabi ni Allan.

"Hindi pwede yan" galit na sabi ni Owhyn. "Hindi tama na parusahan nya kayo ng ganyan. Bumitiw na kayo dyan"

"Hindi pwede baka lalo lang kami malintikan kay Sir" sabi ni Joel.

"Gelo tama na yan" sabi ni Owhyn kay Gelo. "Siguradong nangangalay ka na"

"Hayaan mo sila dyan De Guzman" biglang sabi ni Mr. Catacutan.

"Sobra na yang parusa na ginawa mo sa kanila" galit na sabi ni Owhyn.

"Pinapili ko silang tatlo. Ang sabi ko mamili sila, papatawag ko ang mga magulang nila o paparusahan ko na lang sila? At yan ang pinili nila" sabi ng Guro.

"Pero hanggang kelan sila nakaganyan?" tanong ni Owhyn.

"Hanggang mag-uwian" mabilis na tugon ng Guro.

"Dalawang oras pa bago mag-uwian" sabi ni Owhyn. "Siguradong hindi na nila kakayanin yan"

"Dapat kayanin nila" mariing sabi ng Guro. "Pinili nila yan kaya dapat matuto silang harapin at kayanin ang hirap na pinili nila. Desisyon nila yan at hindi sa akin"

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon