Angtunaynasimula
"Anong paki mo?" sigaw ng batang estudyante. Ang bata ay 8 yrs old.
"Alam mo bang kapatid ko yung pinaiyak mo kahapon?" tanong ng isa pang bata na nasa edad sampu. Medyo mataba ang batang ito na may kasama pa na isang bata na kasing edad nya.
"Ah kapatid mo pala yung makulit na yon?" tanong ng walong taong gulang na bata.
"Pinitik ko lang naman yung tenga nya" dagdag pa niya na tila walang takot sa maaring gawin sa kanya ng dalawang kausap nya. "Tama lang sa kanya yun kasi makulit sya"
"Ah ganun! Eh kung sayo ko gawin yun ngayon?" sabe ng sampung taong gulang na bata.
"Eh di subukan mo!" hamon ng walong taong gulang na bata.
Lumapit nga ang dalawang sampung taong gulang na bata sa kanya. At nang malapit na ay biglang sinugod ng batang walong taong gulang ang dalwang 10 yrs old at sinuntok nya ito sa mukha. Tinamaan nya nga ito ngunit agad syang nahawakan ng kasama nito. Nang mahawakan sya ay agad syang sinuntok sa sikmura. Pilit mang magpumiglas ang 8 yrs old na batang lalake ay wala sya magawa. Walang iba tao sa lugar na yon na kung tawagin nila ay 'Bethany'. Ito ang lugar kung san nagkikita ang mga magkaaway para makipag suntukan. Tago ang lugar na ito isang kalsada na malapit sa paaralan pero bibihira ang nagdadaan dito.
Walang magawa ang 8 yrs old na bata dahil hawak sya ng batang kasama ng kaaway nya.
"Gago pala kayo! Bitiwan mo ako" sabe ng batang walong taong gulang sabay tapak sa paa ng batang may hawak sa kanya. nang mabitawan sya nito ay agad nya ito sinuntok sa mukha. Ngunit agad din syang nakatikim ng suntok dun sa isa pa nyang kaaway. Tinamaan sya sa mukha. Maya maya ay hawak na naman sya ng isa sa dalawa nyang kaaway.
"Bitawan mo sya" sigaw ng isang bata. "Lumaban kayo ng patas" sabe pa nang batang ito na nasa 11 yrs old. "Ang laki laki nyo na ngang dalawa eh kailangan nyo pagtulungan ang maliit na yan."
"Wag kang makialam" sagot ng sampung taong gulang na bata.
"Ganito, bkit di tayong dalawa na lang ang magsuntukan tapos yang alalay mo ang makikipagsuntukan dyan sa batang yan." sabe ng batang 11 yrs old.
"Anu ka super hero?" nang-aasar na tanong ng sampung taong gulang na bata
Di na nag-aksaya pa ng oras ang 11 yrs old na bata at agad sinugod ang batang sampung taong gulang nag pambuno ang dalawa. Tinamaan ng suntok ang batang 10 yrs old at gumanti ito at tumama din sa mukha ang suntok nya dun sa kaaway nya. Habang ang walong taong gulang ay nakahulagpos sa batang nakahawak sa kanya. Nagsuntukan ang dalawa. Mga ilang minuto ang lumipas ay may dumaan na isang lalake at isang babae.
"Hoy ano yan? Bakit kayo nag-aaway?" Sabe nang lalake.
"Itigil nyo yan, pag di kayo tumigil tatawag ako ng tanod." sabe nung babae.
Agad tumakbo yung dalawang batang sampung taong gulang. Habang naiwan ang walong taong gulang para ayusin ang sarile nya at para kunin yung bag nya. Ganun din ang batang 11 yrs old.
"O kayong dalawa umuwe na kayo." sabe nung babae.
"Pasensya na po ate. Ipinagtanggol ko lang kasi itong kapatid ko." sabe nung 11 yrs old na bata sabay akbay sa walong taong gulang na bata. Napatingin na lang sa kanya ang batang ito.
"Ganun ba? O sya sige umuwe na kayo ha baka bumalik pa yung mga kaaway nyo." sabe nung lalake.
"Sige po manong" sabe nung 11 yrs old na bata sabay naglakad na sila ng batang walong taong gulang palayo sa lalake at babae na umawat sa kanila.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomantikThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...