Chapter Twenty Three

64 21 0
                                    

The He Stole My Angel

"Ano sa tingen mo?" tanong ni Gelo kay Oyence "Okay na kaya ito?"

Hinihinge ni Gelo ang opinion ni Oyence sa ginawa nyang sulat para kay Gracy.

Hindi ito love letter.

Isa itong apology letter.

.
.
.

Flashback:

Recess nina Gelo.

Pumunta sila sa canteen para kumain.

Pagpasok nila sa loob ay accidentally na nagkabanggaan si Gelo at ang isang babaeng studyante.

"Kasi naman eh" sigaw nung babae sa kanya "Bulag ka ba?"

Hihingi na sana ng sorry si Gelo pero naunahan sya ng katarayan ng nakabangga nya.

"Ako pa ang bulag?" tanong ni Gelo na sa tono ng boses nya ay naiinis na ito "Ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh"

"At ikaw pa ang galit" tanong pa nito "Eh tatanga-tanga ka kasi"

Lalong di nagustuhan ni Gelo ang narinig.

"Ako? Tatanga-tanga?" naiinis nitong tugon "Puro kasi pakikipagdaldalan ang inaatupag mo kaya di mo napapansin ang nakakasalubong mo"

"Get lost" sabi muli nung babae "Tara na nga girls. Ayoko makipagtalo sa tanga" aya nito sa mga kaibigan.

Nag-walk out yung babae kasama ang mga kaibigan nito.

.
.
.

"Pre na-bad trip sayo. Hahahaha" pangangantiyaw ni Carl.

Buti na lang si Carl lang ang kasama nya.

Dahil kung kasama nila ang buong grupo nila ay siguradong puro kantyaw anibot ni Gelo.

"Kung di lang babae yon, sinopla ko na bibig noon eh" sabi ni Oyence

"Haha" tawa ni Carl "Sa tapat lang ng room natin yun tol"

"Yare sya sa akin" sabi ni Gelo "Araw araw ko syang bubuwisitin"

.
.
.

Tino-too nga ni Gelo ang kanyang sinabe.

Araw araw nya ngang inaasar ito at hanggang isang araw ay umiyak ito.
Nang makita ni Gelo na umiiyak ito ay nakaramdam sya ng guilt.

Naawa sya dito.

Gusto nya sana huminge ng sorry pero wala syang lakas ng loob.

Kapag magkakasalubong sila ay umiiwas ito agad.

.
.
.

Unti unti syang nagkagusto dito.

"Alam nyo bang may bagong crush na naman si Gelo?" sabi ni Carl

"At sino naman?" tanong ni Joel

"Yung chick sa tapat ng room natin" sagot ni Carl

"Wag ka ngang maingay dyan" sabi ni Gelo

"Parang alam ko na yan ah" sabi ni Allan "Yan ba yung medyo mahaba ang buhok tapos matangos ang ilong, maliit ang bibig?"

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon