Authors POV:
Ang chapter na ito ay rated PG.
Kung di kayo sanay makabasa ng pagtatalik ng parehong kasarian ay di iminumungkahi na basahin nyo ang Chapter na ito.
-------------------------------------------------------
The First Month
Oyence's PoV:
"Mukhang may lakad ang mga binata ko" nakangiting sabi ng Mama ni Gelo.
It's our first month. I mean our special relationship on Tuesday.
Napagplanuhan namin dalawa na i-advance yung celebration at pumunta sa resort ng Ninong ko sa Quezon Province.
Nung una ako mag-paalam kina Mommy and Daddy ay di sila agad pumayag, lalong lalo na si Mommy dahil hindi pa daw kami sanay bumiyahe ng malayo. Baka daw maligaw kami. Pero nakumbinsi din namin sila.
We will be spending our weekend there.
Friday afternoon kami bibyahe papunta doon and Sunday morning kami bibiyahe pabalik dito.
Kung pwede lang sana na one week kami dun para sulit. Pero syempre di pwede kasi may pasok kami kinabukasan.
Naka isang buwan na pala kami.
Sa ngayon okay pa rin ang relasyon namin. Parang wala naman nagbago. Yun nga lang may mga pagkakataon na naiilang sya sa akin. Lalo na in public.
Dati rati kapag inaakbayan ko sya ay okay lang sa kanya. Pero ngayon, minsan naiilang sya at pasimpleng umiiwas sa pagkakaakbay ko.
Naiintindihan ko naman sya. Maaring nasa adjustment period pa sya.
Pero kapag kaming dalawa lang ay malambing pa rin naman sya sa akin tulad ng dati.
"Di ba tita nagpaalam po ako sa inyo na pupunta kami sa resort ng Ninong ko sa Quezon Province?" paalala ko sa Mama niya.
"Ay oo nga pala" naalala ng Mama nya. "Ngayon na pala yon?"
"Nasabi mo na po ba kay Papa yon, Ma?" nag-aalalang tanong ni Gelo sa Mama niya.
"Yun nga ang problema" tugon ng Mama niya. "Hindi ko nasabi"
Waaaaah.
Mukhang mapupurnada pa ata ang lakad namin.
"Paano yon Ma?" nagmamaktol na tanong ni Gelo.
"Baka pwedeng next week na lang kayo tumuloy?" sagot nang Mama nya.
"Hindi pwede Ma, importante po itong lakad na ito" nagmamaktol pa ring tugon ni Gelo.
"Bakit ano ba meron?" tanong ng Mama nya.
"Basta, Ma. Importante na ngayon na" pagpipilit ni Gelo na parang bata.
"Anong basta?" tanong ng Mama nya. "Give me reason kung bakit hindi pwede i-postpone"
Panandaliang natahimik si Gelo na tila nag-iisip nang dhilan.
"Ah kasi nakapag-paalam na kasi si Oyence sa Mommy at Daddy nya" tugon ng Mama nya.
"O e di magpaalam ulit, mahirap ba yon?" mabilis na tugon ng Mama nya. "Kung gusto nyo ako na ang magsasabi"
"Pero nakapagsabi na si Oyence sa Ninong nya na pupunta kami sa resort nya. Nakapagpa-reserve na kami, Ma" sabi ni Gelo na pursegidong matuloy ang lakad namin. "Baka pwedeng sabihin mo na lang kay Papa sa telepono? Tatawagan ko sya ngayon" sabi nya pa sabay punta sa kinaroroonan ng telepono.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...