Chapter Twenty Six

79 22 0
                                    

Torn between two hearts

"Mamili ka sasama ka sa akin o hindi ako pupunta sa presentation nyo sa plaza?" tanong ni Oyence kay Gelo na kasalikuyang nakahiga kama at nakaunan sa tiyan nya habang sya naman ay nagbabasa ng libro

It's Saturday afternoon at maulan buong maghapon kaya wala silang magawa kundi ang magkulong sa kwarto ni Oyence.

Pinipilit ni Oyence na sumama si Gelo sa kanya next Saturday sa birthday ni Enzo. Pero ayaw nito dahil nahihiya sya.

"Waaaaah" tugon ni Gelo "Wag namang ganun. Hindi pwedeng hindi ka pumunta sa presentation ko sa Friday. Kailangan ko ang suporta mo"

"Ok so the deal is closed" mabilis na tugon ni Oyence "It's a deal. Pupunta ako sa presentation mo at sasama ka sa akin next Saturday sa birthday ni Enzo"

"Huh? Umoo na ba ako?" nagtatakang tanong ni Gelo

"Based on your last statement?" sabi ni Oyence "Yes sumang-ayon ka na"

"Wala na ba talaga akong choice?" tanong ni Gelo

"Nope" sagot ni Oyence

.
.
.

Maghapon nagkulitan ang magbespren.

Di sila makagala kasi umuulan.

Hanggang sa mapagod sila at magkatabing natulog.

--------------------------------------------------------

Owhyn's PoV:

Nakakabadtrip!

Maghapon umuulan. Nakakabagot dito sa bahay. Maghapon kong naiisip si Gelo. Grabe talaga sya. Di nya talaga pinatatahimik ang isip ko. Para akong nagayuma. Unang beses kong naramdaman ito sa kapwa ko lalaki. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Hindi ko sya gusto dahil sexually attracted ako sa kanya. Oo aaminin ko gusto ko syang halikan sa pisnge, sa noo at sa labi. Pero hindi ibig sabihin nun ay gusto ko sya maka-ano, basta alam nyo na yon. Hindi pa sa ngayon. Hehehe. Pero seriously ay gusto ko sya dahil parang ang gaan gaan nyang kasama. Ang aliwalas ng kanyang mukha, Napakaamo at inosente. Yung mata nya na parang nangungusap, yung labi nya na tila napakasarap halikan, ngite na nakakawala ng bad mood at pagod.

Haaaaay sana lagi ko sya kasama. Para hindi ako nagkakaganito. Parang laging tuliro kakaisip sa kanya.

.
.
.
.

Buti na lang at tumila na ang ulan kaya eto ako ngayon papunta sa Central para mag foodtrip. Marami kasi street foods dun. Syempre pa andun ang pabirito kong isaw at betamax.

Medyo malayo layo ang lalakarin siguro mga 12 minutes mula dito sa amin.

Pwede naman ako sumakay ng tricycle pero sayang naman ang pamasahe.

.
.
.
.

Nang naglalakad na ako ay nakita ko si Gelo sa di kalayuan palabas sa Christian Subdivision.

Kasama nya ang pinakaiinisan kong tao.

Si OYENCE.

Magkahalong saya, inis at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.

Saya - kasi nakita ko si Gelo.

Inis - kasi nakita ko si Gelo pero kasama nya si Oyence.

Lungkot - kasi nakita ko si Gelo kasama nya si Oyence at masaya silang naglalakad.

.
.
.
.

Nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako papuntang Central o babalik na lang ako sa bahay at magkukulong sa kwarto ko.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon