Start of a new friendship
Ohwyn's PoV:
Recess na andito na ako sa paborito kong pwesto tuwing recess. Tanaw ko na bumaba sina Gelo kasama ang mga kaibigan nya papuntang canteen.
Habang pababa sila sa hagdan ay palihim kong pinagmamasdan si Gelo.
Lagi ko na ito ginagawa simula ng makita ko sya. Inaabangan ko na ang pagbaba nya tuwing recess.
Alam ko na din kung saan ang classroom niya.
Sinundan ko sya isang beses after nya kumain sa canteen.
Wala akong pakialam kung mag-mistula akong stalker. Basta ang importante ay lagi ko sya makita.
Hindi kumpleto ang buong araw ko ng hindi sya nakikita.
.
.
.Minsan di ako nakuntento, pumasok ako sa canteen kahit di ko ito ginagawa. Madalang pa sa patak ng ulan kung kumain ako sa canteen. Nakita ko kasi si Gelo na pumasok sa canteen. Gusto ko sya makita mg mas malapitan kaya pumasok ako sa loob. Kumuka ako ng pagkain at naupo sa malapit sa table nila. Nakaharap ako sa kanya para madali ko sya masusulyapan. Para akong tanga na pasulyap sulyap sa kanya.
May isang pagkakataon na nakita nya na nakatingin sa kanya. Ngunit agad ko naman ibinaling ang paningin ko sa iba upang hindi nya mahalata na tinitingnan ko sya.
Pakiramdam ko ay gustong gusto ko sya kausapin. Pero wala ako magawa dahil laging marami syang kasama.
Lagi ko sinasabi sa sarile ko na gagawa at gagawa ako ng paraan magkalapit lang kaming dalawa.
Kahit ano pa yan.
Walang makakahadlang sa akin.
Kahit pa ang pinakamatalik nyang kaibigan na si Oyence.
.
.
.It's Monday.
Maaga ako pumasok ngayon.
Alam ko kasi na maaga pumapasok si Gelo.
Madilim pa nang dumating ako dito sa school.
Konti pa lang ang nasa quadrangle (kung saan kami nag-pa-flag ceremony).
Wala naman akong planong mag-flag ceremony. Kaya umakyat na ako papuntang classroom ni Gelo.
Magbabakasakali ako na andun sya.
Habang paakyat na ako ay nakasalubong ko si Gracy.
"Hi Ohwyn" bati nya sa akin.
Nakilala ko si Gracy dahil friend sya ng ex-girlfriend kong si Cindy.
"Hi Gracy" tugon ko sa kanya.
"Ang aga mo ata?" tanong nya "Saan ka pupunta?"
"Ah dyan lang, may pupuntahan lang akong kaibigan" sagot ko.
"Ah ok sige bababa na ako" sabi nya.
"Sige" sabi ko.
Pagtalikod nya ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room ni Gelo.
.
.
.Nang malapit ako sa roon nya ay nakita kong nakaupo sya sa bench na nasa tapat ng classroom nila.
Hindi muna ako lumapit.
Nagtago muna ako sa likod ng puno.
Parang gusto ko sya lapitan pero dinadaga ako kaya nanatili muna ako sa aking kinaroroonan.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...