Chapter Twenty Seven

91 21 0
                                    

The more I am closer with you

"Inaasahan kong makakasama kayo mamaya ha" sabi ni Owhyn sa mga kaibigan ni Gelo na kasama nyang kumakain sa canteen.

Pinipilit ni Owhyn na mas mapalapit pa kay Gelo. In a small span of time ay madaling naging magkaibigan ang dalawa. Una nyang kinuha ang loob ng mga kaibigan ni Gelo para lagi syang kasama ng mga 'to at nang lagi nyang kasama si Gelo.

Lagi syang isinasamang dumayo ng basketball kaya lagi nyang kakampi si Gelo sa tuwing dadayo sila.

Pero di pa rin nya maalis ang kagustuhan na wag na maglaro ng basketball si Gelo dahil alam nya na pisikal ang basketball kaya ayaw nya masasaktan ito.

Sometimes he treated Gelo as a girl. Kaya minsan nagtataka si Gelo kapag ganun ang trato sa kanya ni Owhyn.

Nagtataka din sya sa sarile kung bakit ganun na lang ang naiisip nya. Until he realized that he felt different kay Gelo.

"Oo ba" sabi ni Allan

"Kalaban ka ba namin?" tanong ni Carl

"Hindi ah" sagot ni Owhyn "Syempre kakampi nyo ako"

"Papayag kaya yung mga ka-teamate mo?" tanong ni Bryan "Syempre alam nila na malakas ka maglaro. Tapos kampi mo pa si Gelo. E di ba kilala nila si Gelo?"

"Papayag yon" tugon ni Owhyn "Pero kapag di pumayag isa sa amin ni Gelo ang hindi maglalaro"

Obviously ayaw nya kalaban si Gelo. Iniiwasan kasi nito na mabalya nya ito. Di nya kaya na masaktan si Gelo.

"Teka makakalaro ka ba Gelo?" tanong ni Joel sa kaibigan

"Yun na nga eh" tugon Gelo "Baka hindi ako makasama sa inyo. Usapan kasi namin ni Oyence na magkikita kami sa Mall. Pero ko pa rin sure kasi tatawag na lang sya sa bahay kapag andun na sya sa Mall"

Medyo di nagustuhan ni Owhyn ang narinig. Sa isip-isip nya na hadlang na naman si Oyence. Di nya na lang ipinahalata ang pagkadismaya.

"Naku malabo ata yan tol" sabi ni Ben "Kapag di ka sure di na lang ako sasama"

"Ako din" sabi ni Bryan

"Di na rin ako sasama" hirit ni Carl

Parang nakunsensya si Gelo sa hindi pagsama ng mga kaibigan ng dahil sa kanya.

"O sya sige na" sabi ni Gelo "Sasama na ako"

Biglang natuwa si Owhyn sa narinig.
.
.
.
.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta na nga sila sa Mary Ville para maglaro.

Plano pa sana umuwe ni Gelo sa kanila para magbilin sa Mama nya na kapag tumawag si Oyence ay sabihin na hindi sya makakasama. Pero di na sya pinakawalan pa ng mga kaibigan nya kaya di na sya nakauwe.

.
.
.
.

After ng laro ay nagpahinga muna sila saglit at nagmiryenda tapos ay inihatid na nila ni Owhyn ang mga kaibigan nila sa sakayan ng tricycle.

Nang maisakay na nila ang mga kaibigan nya ay nagpaalam na sya kay Owhyn at dali-daling umuwe ng bahay nila.

.
.
.

Pagdating niya sa bahay nila ay agad nyang tinanong ang Mama nya kung tumawag ba si Oyence.

"Ma, tumawag po ba si Oyence?" tanong nya sa Mama nya

"Oo kanina mga bandang alas tres" tugon ng Mama nya "Nasa mall daw sya"

Parang nakaramdam sya ng guilt dahil may usapan sila pero di sya nakapunta.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon