Chapter Thirty Three

119 11 0
                                    

Sorry I love you


"Mahigit nang isang linggo di natin nakakasama si Owhyn?" sabi ni Carl.

Mahigit na ngang isang lingo ang lumipas nung insidente sa pagitan nina Owhyn at Oyence sa basketball court. At simula nun ay di na ito nagpakita kay Gelo. Bagay na ipinagtataka nang mga kaibigan nila.

Kahit sa loob ng campus di rin nila ito nakikita.

Iniisip ni Gelo na baka yung insidente na yon ang reason pero di nya sinubukan na puntahan ito sa kanilang bahay dahil di nya alam kung paano nya ito kakausapin. Alam nya na di sila okay ngayon ni Ohwyn.

"Oo nga" pagsangayon ni Allan. "Kahit sa Campus di ko rin sya napapansin"

"Di mo ba sya nakakausap?" baling na tanong ni Bry kay Gelo. Nabigla si Gelo sa tanong na yon kaya di sya agad nakasagot. "Malapit lang bahay nyo sa isa't isa. Di ba kayo nagkikita o nagkakasama man lang maglaro ng basketball?"

"Huh?!" medyo gulat na reaksyon ni Gelo. "Ah, eh... Hindi ko din sya nakikita eh. Pero sige mamaya pupuntahan ko sya sa bahay nila paguwe ko"

"Eh kung puntahan na lang natin sa room nya ngayon?" suggestion ni Carl.

"Ibig sabihin di tayo kakain?" sabi ni Neil.

"Yan hirap sayo minsan ka lang di kakain sa recess para sa kaibigan natin eh di mo pa magawa" sabi ni Dave.

"O sya sige na" sabi ni Bry. "Kami na lang ni Gelo ang pupunta sa classroom niya" sabi pa nito sabay tingen kay Gelo. "Okay lang naman sayo di ba tol?" tanong nito kay Gelo.

"Huh?!" gulat na tugon ni Gelo. "Ah, sige" pilit na pagsang-ayon nito.

.
.
.
.

Dumiretso na nga sina Bryan at Gelo sa classroom ni Owhyn. Habang ang iba nilang kaibigan ay dumiretso na sa School Canteen.

.
.
.
Nang makarating sila sa room ni Owhyn ay recess din ng class nito. Sumilip si Bryan sa bintana para tingnan kung nasa loob ng classroom si Owhyn.

Si Gelo naman ay nakatayo lang sa tabi nya.

"Wala ata sya" sabi ni Bryan.

"Huh?" tugon ni Gelo

"Di ko sya makita" sabi ni Bryan.

"Baka andyan lang yan" sabi ni Gelo sabay silip na din sa bintana.

"Asan?" tanong ni Bryan.

Hinagilap ng mata ni Gelo sa buong room si Owhyn pero bigo ito na makita ang kaibigan.

"Mukhang wala nga" sabi ni Gelo kay Bryan. "Pero baka nasa canteen din?"

"Tara tingnan natin" aya ni Bryan.

Nang makita ni Gelo na may papasok sa room ay agad syang lumapit dito.

"Hi! Excuse me" nakangiteng pagbati ni Gelo sa lalaking estudyanteng papasok na sana sa loob. "Itatanong ko lang sana kung pumasok ba si Owhyn ngayon?"

"Ahh wala sya" sabi nung pinagtanungan nya. "Suspended sya ng isang linggo"

"Ha!" sabay na tugon nina Bryan at Gelo.

"Kailan pa?" tanong ni Bryan.

"Bakit? Ano nangyare?" tanong ni Gelo.

.
.
.

Owhyn's PoV:

Halos dalawang linggo na akong walang pasok.

Halos dalawang linggo ko nang di nakikita. ang Anghel Ko.

O kaya marinig man lang ang boses na napaka sarap sa pandinig.

Gusto ko sana sya kausapin after nung nangyare sa amin ni Oyence para huminge ng sorry sa inasal ko.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon