Chapter Twenty Two

80 22 3
                                    

A heart that protected the love

Jacob's POV:

"Kanina ka pa bro?" tanong ni Enzo sa akin.

I am now part of the group of friends ni Oyence.

Lahat sila ay madali ko rin nakasundo.

Actually nung una ay si Oyence lang talaga ang gusto ko makasundo sa kanila.

I will admit na I am interested kay Oyence.

Sino ba naman ang hindi ma-aattract sa kanya.

Aside sa physical assets na meron sya. Ay ang talagang nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging gentle nya.

He is also very kind and approachable person.

Gustong gusto ko nakikita ang kanyang smile.

Alam kong imposible na magkagusto sya sa akin pero minsan naiisip ko na may possibility na mangyari yon base na rin sa ugali nya.

He is a soft hearted person. Kapag nagsasalita sya ay ramdam mo yung sincerity sa kanyang sinasabi.

.
.
.

Kinilala ko at kinaibigan ang mga kaibigan nya sa school para mas mapalapit sa kanya.

Pero dahil sa sobrang bait ng mga kaibigan nya at masarap kasama ay ikinu-consider ko na talaga sila as friends.

Since merong simpleng handaan sa amin ay niyaya ko sila na magpunta sa aming bahay tutal wala naman kaming pasok kinabukasan.

.
.
.

"Hindi naman" nakangiteng kong sagot sa kanila "Halos magkasunuran lang tayo"

Pero ang totoo may halos 45mins na akong naghihintay sa kanila. Pero syempre ayoko ma-felt guilty sa kanila kapag sinabi ko yon.

.
.
.

"Ano nga palang meron sa inyo pre?" tanong ni Kian sa akin.

"Anniversary kasi ng parents ko" sagot ko "May simpleng party lang"

"Naku hindi mo man lang sinabe kahapon para nakapag-baon kami ng damit" sabi ni Jasper

"Ok naman yung mga suot nyo ah" sabi ko "Gaya ng sabe ko, isang simpleng party lang yung magaganap sa bahay namin"

"Pag-pasensyahan mo na to'ng si Jasper" sabi ni Kian "Gusto pa ata nito mag-gown. Hahahaha"

"Hahaha" tawa ko "No need na bro. Pero kung mas kumportable sayo na naka-gown. May maaarkilahan naman tayo dyan sa tabi tabi" biro ko  "Ano, gusto mo ba?"

"Loko loko kayo" nakangiteng tugon ni Jasper "Itinulad nyo naman ako kay Marla"

"Hahahaha" tawa ng lahat

"Speaking of Marla" sabi ko sa kanila "Asan na nga pala sya at yung ibang mga girls?"

"Naku may sarile silang lakad" sagot ni Enzo "Alam nyo naman si Marla, feeling nya babae din sya"

"Ahh ganun ba, sayang naman" sabi ko "O sya tara na, sakay na kayo" nang papasok na si Oyence sa passenger's seat "Dito ka na sa harap Yence"

Sa harap nga sya sumakay at sa likod sina Enzo.

Binuksan ko ang stereo gaya ng nakasanayan ko kapag bumabyahe ako mag-isa

.
.
.

Nakatulog sina Enzo, Kian at Jasper sa sobrang layo ng byahe.

Dalawa na lang kami ni Oyence ang gising.

"Kamusta ka naman?" tanong ko sa kanya

"Huh? Okay lang syempre" sagot nya "Bakit mo natanong yan? Halos araw araw tayo nagkikita ah"

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon