Chapter Forty

60 11 0
                                    

Planning Perfect

"Papa Oyence, kailangan kasama mo ang little brother slash bestfriend mo na Super-Mega Crush ko for all seasons ha" sabi ni Marlon kay Oyence.
Kasalukuyan nasa SM Mega Mall si Oyence kasama ang mga kaibigan nya na sina Enzo, Marlon, Jasper, Kian, Joyce, Mary and Danica. Tanging si Jacob ang wala pa sa grupo nila, male-late daw ito nang dating.
Pinaplano nila ang birthday ni Marlon next week.
Pinipilit ni Marlon na isama ni Oyence si Gelo. Bagay na hindi masiguro ni Oyence na maisasama nya ang kaibigan dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa sila 100% okay nito.
Almost three weeks na ang nakakalipas mula nang bumalik si Gelo sa kanila and until now ay hindi pa rin nila naayos ang issue nilang dalawa dahil bibihira din sila mag-kita.

Flashback
Pagkatapos kumain nila Oyence at Gelo ay nagpunta na sila sa kwarto nung huli.

Nakahiga na sila, nakatihaya pareho.
Tumagilid si Gelo paharap sa kaibigan.

"Galit ka ba sa akin?" seryoso ngunit mahinahon na tanong ni Gelo kay Oyence.

Hindi alam ni Oyence kung paano sasagutin ang tanong nang kaibigan.
Alam nya sa sarile nya na hindi sila okay matapos nang mga inamin ni Gelo sa kanya.

"Matulog na muna tayo" mahinahon na tugon ni Oyence. "Ipahinga muna natin ang mga isip natin bago natin pag-usapan ang tungkol sa atin"

Hindi na nagpumilit pa si Gelo. Sa halip ay ipinatong na lang nito ang kamay sa dibdib nang kaibigan at tsaka ipinikit ang mga mata nya para matulog.

Habang si Oyence naman ay parang lumulutang ang isip. Ipinikit nya na lang ang kanyang mga mata.

.
.
.

Makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin sila nakakapag-usap nang maayos.

Lagi pa rin silang dalawa magkasama maglaro nang basketball pero di na sila nagkakaroon ng oras na magkasama na silang dalawa lang dahil na rin sa pag-iwas ni Oyence.

Hanggang sa di na nakatiis si Gelo at kinumpronta na nya ang kaibigan.

.
.
.

Pagkatapos nilang maglaro at nag pasya nang mag-si-uwian ang mga kabigan nila.

Nang makalabas na ang mga kaibigan ay sinadya ni Gelo na magpaiwan sa court at nag-shooting shooting muna.

Nagbabakasakali siyang mapapansin ni Oyence na nagpaiwan sya sa court at bumalik ito para sa hanapin sya.

Di nga sya nagkamali nang pasya.
Bumalik nga si Oyence.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Oyence kay Gelo

"Hindi pa" tugon ni Gelo. "Mag-su-shooting shooting muna ako"

"Okay sige, mauuna na ako sayo" kaswal na sabi ni Oyence. "May gagawin pa kasi ako"

Ang totoo ay patuloy pa rin nyang iniiwasan ang kaibigan kaya nag-alibi na lang sya.

Nang lalabas na sya nang gate nang court...

"Pwede muna ba tayo mag-usap saglit?" sabi ni Gelo sa seryosong tono nang boses.

Ayaw man ni Oyence ay napilitan syang pagbigyan ang kaibigan.
Naisip nya din na panahon na para harapin nilang dalawa ang problema sa kanilang relasyon.

Naglakad sya palapit sa kaibigan.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong nya sa kaibigan.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon