Chapter Ten

120 25 1
                                    

Win or Lose

"Asan na ba si Gelo? Malapit nang mag-start yung laro" naiinis na tanong ni Oyence kina Jay-off at mga teamate nito.

It is summer at uso na ang mga liga ng basketball.

Bumuo ng team sina Jay-off para sumali sa Open League na ginaganap sa subdivision kung saan nakatira si Oyence. Midget division ang sinalihan nina Jay-off, RJ at Randel. May mga kakampi din sila na mga kapitbahay nila. Isinama niya sa line-up nila si Gelo kahit na marami ang nagpo-protesta sa mga kalaban nila sa division na sinalihan nila. Marami kasi ang nakakakilala kay Gelo at alam nila kung gaano ito kagaling. Syempre binalewala ng mga committees ang mga protesta dahil pasok naman ang edad ni Gelo sa division na nabanggit. Kung tutuusin ay may mas matatanda pa nga kay Gelo na kasali sa division na ito. Si Oyence ang tumatayong coach nila.

Kasali din si Oyence sa liga pero sa Junior division sya kasali. Kakampi nya ay sina Jeff, Ed, Luigi, Jules at iba pa na ka-village nila. Gusto sana nina Jeff isama sa line-up nila si Gelo pero ayaw ni Oyence. Gusto niya na dumaan muna si Gelo sa Midget Division kung saan kaedad nya ang mga kalaban nya.

Kayang kaya ng team nina Jay-off ang mga kalabang team kaya madali silang nakapasok sa Championship. Si Jay-off ang Captainball at si Gelo ang ace player ng team nila. Bawat laro ay double digit lagi ang score ni Gelo. Magaling din mag-coach si Oyence at dahil alam niya ang laro ni Gelo madali syang nakakabuo ng mga plays.

Ngayon ang championship game for Midget Division. Magsisimula ang laro ng 7PM ngunit 6:45 na eh wala pa rin si Gelo.

"Dinaanan ko sa kanila kanina, sabi ng Mama nya naliligo na daw" tugon ni Jay-off

"Ok mukhang di na sya aabot sa jump ball" sabi ni Oyence "Ganito stick to our game plan. Depensa muna ang main focus natin ok? Jay-off ikaw ang sentro, Vince power forward ka, Randel wings, RJ uno ka. Habang wala pa si Gelo si Niño muna ang shooting guard natin" seryosong instruction ni Oyence "Hanggat maari ay zone defense muna kayo tsaka na tayo gagamit ng man to man defense kapag di nag-work ang sona. Sa opensa, RJ yung play ng natin dalhin mo sa ilalim kay Jay-off. Niño kapag may pagkakataon take your shot"

"BuZzzzzzZzzzzzzz" pagtunog ng buzzer na hudyat na nang pagsisimula ng laro.

"Ok kaya niyo yan and stick to our plan" words of encouragement ni Oyence. Alam nya mahihirapan sila Jay-off sa kalaban nila dahil pawang mas matatanda na ito at magagaling sa depensa. Sigurado sya na pinaghandaan ng kalaban ang depensang gagawin nila laban kay Gelo.

Nagsimula na nga ang jumpball at ang first possession ay sa kalaban.

3 minutes gone sa 1st Quarter wala pa rin si Gelo.

Nasusunod ang instruction ni Oyence at dikit lang ang laban.

"Oyence asan si Gelo?" tanong ng Daddy niya

"Wala pa nga po dad" tugon ni Oyence

"Hindi sila mananalo nyan kung hindu sya dadating" sabi ng daddy ni Oyence

"Dadating yun dad. Pagdaan ni Jay-off sa kanila eh naliligo na daw" kumpyansang sabe ni Oyence

"Sana dumating sya agad bago pa sila matambakan" tugon ng Daddy nya

Matatapos na ang 1st Quarter lamang ng pito ang kalaban. Nahihirapan sila sa opensa dahil wala ang main offensive player ng team. Tumawag ng timeout si Oyence.

"Guys medyo ok ang depensa natin pero ang opensa di natin ma-execute" sabi Oyence "Parang ayaw nyo magsi-tira. Wag kayo matakot tumira. Pag sablay ok lang yon. Balik na lang sa depensa agad" seryosong sabi ni Oyence "Wala Gelo pero wag kayo panghinaan ng loob. Ok?"

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon