Chapter Thirty

107 12 0
                                    

Supporting friends

"Ilang araw ko nang napapansin na parang tulala minsan si Gelo" sabi ni Bryan.

Isang linggo na ang lumipas simula ang pag-amin ni Oyence nang tunay nitong nararamdaman sa kaibigan.

Labis ngang naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan at dumating pa sa punto na umiwas si Gelo kay Oyence.

Napapansin na rin nina Bryan ang ikinikilos ni Gelo.

Minsan ay tulala ito at malungkot. Bibihira na rin ito sumama sa kanila kapag niyaya nila itong dumayo ng basketball o kaya magpunta sa mall. Minsan ay hindi ito sumasama sa kanila kapag recess gaya ngayon araw.

Kaya naisipan nilang mag-usap-usap para libangin nila ito. Ayaw naman nila itong usisain at tanungin kung ano ang problema nito.

"Oo nga eh, siguro nabasted" sabi ni Carl.

"Bugok" tugon ni Joel sabay batok kay Carl

"Aray. Bakit?" reklamo ni Carl

"Bobo ka ba" sabi ni Bry "E wala ngang nililigawan yon"

"Malay ba natin, na kaya pala minsan di sya sumasabay sa atin sa recess eh dahil may iba pala sya kasabay" sabi ni Carl

"Malabo yang sinasabi mo" sabi ni Ben "Magkasabay kami lagi umuwi at ni minsan wala sya nabanggit na may nililigawan sya"

"Pero ano ba ang plano nyo?" tanong ni Allan

"Friday bukas" sabi ni Neil "Mag-overnight tayo sa farm ng tita ko sa Tanay"

"Tapos?" tanong ni Dave

"Tapos mag-swimming tayo sa falls malapit doon" sagot ni Neil

"Hmmm. Mukhang maganda nga yan" sabi ni Carl

"Ano Owhyn? Sa tingen mo okey ba yun?" tanong ni Ben

"Kung mapapasama nyo si Gelo, sasama ako" sagot ni Owhyn

"Ahm. Yun nga ang magiging part mo eh" sabi ni Bryan "Ikaw ang kukumbinsi sa kanya"

"Huh bakit ako?" nagtatakang tanong ni Owhyn "Kayo ang matatagal nya nang kaibigan. Bakit ako ang kukumbinsi sa kanya? Paano kung hindi ko sya mapapayag?"

Medyo natatarantang tanong ni Owhyn.

"Relaks" sabi ni Bryan "Yun nga yung point dun eh. Kapag sa amin kasi na matagal nya na kaibigan eh hindi sya mahihiyang tumanggi. Pero pag ikaw siguradong mahihiya yon tumanggi"

"Paano pag--" naputol na tugon ni Owhyn

"Magtiwala ka sa amin tol" sabi ni Joel "Matagal na namin kilala si Gelo kesa sayo. Kaya kilalang kilala namin sya"

Walang nagawa si Owhyn kundi ang sumang-ayon.

.
.
.
.

Nang uwian na ay magkasabay umuwi si Gelo at Owhyn.

"Parang medyo natihimik ka nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Owhyn kay Gelo

"Ha?" tugon ni Gelo "Di naman ah"

"Bibihira ka na kasi sumabay sa amin sa recess" sabi ni Owhyn "Gaya kanina di ka sumabay sa amin"

"Ahh may ginawa pa kasi akong homework" sabi ni Gelo na halata namang nagdadahilan lang

"Nagpa-plano nga sila na mag-overnight bukas ng gabi sa farm ng tita Neil sa Tanay" sabi ni Owhyn "Niyaya nga nila ako pero sabi ko sasama lang ako kapag kasama ka"

"Huh?" nagtatakang tugon ni Gelo "Bakit kelangan ko pang sumama para sumama ka lang?"

"Ha ah eh syempre ikaw ang pinaka-close sa akin kesa sa kanila" medyo nauutal na tugon ni Owhyn "Ikaw ang unang kaibigan ko sa kanila kaya dapat kasama ka para sasama din ako" sabi pa nya sabay taas baba ng kilay.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon