Love under the raindrops
Narrators POV:
It is Saturday morning.
Maulan.
Alas otso na ng umaga pero tulog pa rin sina Oyence at Gelo sa kwarto ng huli. Nakatagilid sila pareho matulog pero magkaharap. Masarap matulog lalo na at umuulan kagabi.
Maya maya ay nagising si Gelo.
Pagmulat ng mata nya ay nakita nya ang kaibigan na nakapikit pa.
Bumangon sya at lumabas ng kwarto.
Nakita nya sa sala ang Papa nya, nagbabasa ng dyaryo.
"O gising ka na agad?" sabi ng Papa nya "Masarap matulog ah. Si Oyence tulog pa ba?"
"Tulog pa" sagot nya
"Kumain ka na lang muna. Nagluto ng tsampurado ang Mama mo" sabi ng Papa nya "Matulog ka na lang ulit pagkatapos mo kumain"
Sinunod nya nga ang sinabi ng Papa nya at kumain sya.
Kumuha sya ng isang bowl ng tsampurado. Nilagyan nya ito ng gatas at asukal.
Habang kumakain pumasok naman sa kusina ang Mama nya.
"Gising ka na pala" sabi ng Mama nya "Si Oyence?"
"Tulog pa Ma" sagot nya
"Bakit di mo pa ginising para makapag-almusal?" tanong ng Mama nya
"Mamaya na Ma" tugon ni Gelo "Mahimbing ang tulog nya. Tsaka wala namang pasok"
"Sya bahala ka" sabi ng Mama nya "Kapag nagising initin mo yang tsampurado"
"Mainit pa naman Ma" sabi nya
"Baka mamaya malamig na yan" sabi ng Mama nya "Malamig ang panahon"
"Sige po" pagsang-ayon na lang nya
After nya kumain ng tsampurado ay bumalik na sya ng kwarto nya at nahiga ulit para matulog.
Pag higa nya ay hindi na sya dalawin ng antok.
Tumagilid sya at humarap kay Oyence na nakatihaya.
Gumana na naman ang pagiging makulit nya.
Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa tenga ni Oyence. Marahan nya itong hinipan.
Nang gumalaw si Oyence ay pumikit sya at nagkunwaring tulog.
Nakikiramdam sya habang nakapikit.
Makaraan ang ilang saglit ay marahan nya idinidilat ang mga mata nya.
Nang makita nya na tulog pa rin si Oyence ay muli nyang hinipan ang tenga nito.
Nang gumalaw si Oyence ay pumikit ulut sya at nagkunwaring tulog.
Naramdaman nyang tumagilid ang kaibigan. Pinalipas nya muna ang dalawang minuto bago dumilat muli.
Pag dilat nya ay nakita nya si Oyence na nakatagilid paharap sa kanya.
Nang tangka na nyang hihipan ang mukha ni Oyence ay bigla itong dumilat.
"Huli ka" sabi ni Oyence na ikinagulat ni Gelo
"Huh?" pag-mamaang-maangan ni Gelo
"Kunwari ka pa" sabi ni Oyence "Kanina mo pa hinihipan tenga ko
"Wala ako ginagawa ah" sabi ni Gelo
"Wala pala ha" sabi ni Oyence sabay sunggab kay Gelo para kilitiin.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...