Authors Note:
Ang chapter na ito ay rated SPG
Kung di mo nais makabasa nang tungkol sa pagtatalik nang dalawang lalaki ay wala kang dahilan para magpatuloy sa pagbasa.
------------------------ooOoo-----------------------
Full of Flashbacks
"Nasan si Gelo?" tanong ni Oyence kay Owhyn.
Ngayong araw ang balik nila sa Manila.
Plano nilang bumiyahe after lunch.
Maaga nagising si Owhyn at nagpasya syang pumunta sa basketball court.
Tulog pa si Gelo nung iniwan nya ito sa kwarto nila. Madaling araw na kasi natapos yung inuman nila.
Habang nag-su-shooting sya ay dumating si Oyence.
Di nya agad ito sinagot, sa halip ay isang maangas na tingin ang tugon nya dito.
Alam naman ni Oyence na wala syang mapapala pero sinubukan nya lang magtanong.
"Bakit mo tinatanong?" maangas na tugon ni Owhyn. "Nagpapahinga pa sya sa kwarto namin"
Di na nagsalita si Oyence at tumalikod na lang ito upang bumalik sa mansion.
A few steps away nang magsalita ulit si Owhyn.
"Wala akong pakialam kung anong meron sa inyo ni Gelo" seryosong sinabi ni Owhyn.
Tumigil si Oyence sa paglalakad nya, ngunit di ito lumingon
"Binabalaan kita na wag kang sasagabal sa daan ko" pagbabanta pa ni Owhyn.
"Tignan natin" maangas naman na sagot ni Oyence saka naglakad muli pabalik sa mansion.
---------------------ooOoo-------------------------
Nang matapos na silang mananghalian ay nag-sipag-gayak na sila para bumalik sa Manila.
Pasado alas dos nang hapon nang sila ay magpaalam kina Manang Stella.
"Maraming salamat po Manang sa pag-aasikaso sa amin" taos pusong pasasalamat ni Marlon.
"Naku, walang anuman iho" tugon ni Manang Stella. "Basta bisita ni Sir Jacob pagsisilbihan namin"
"Salamat sa masasarap nyo pong pagkain na inihain sa amin" sabi ni Jasper. "Sa ilang araw naming pag-stay dito, binusog nyo po kami nang husto".
"Mukha ngang busog na busog ka" sabi ni Marlon kay Jasper. "Ang takaw mo kasi"
"Ayan na naman kayong dalawa" saway ni Mary. "Magsisimula na naman kayo sa pag-aasaran"
"O sya tama na yan" sabat ni Jacob. "Ilagay nyo na mga gamit nyo sa van at nang makaalis na tayo"
"Sige po manang" sabi ni Gelo. "Thank you po ulit"
Nang makasakay na ang lahat ay nagsimula nang umandar yung sasakyan.
There's an awkwardness na bumabalot sa loob nang sasakyan.
Awkwardness between Gelo, Oyence and Enzo.
Flashback:
Huling gabi na nila sa mansion at kasalukuyan silang nag-iinuman sa tabi nang pool.
Napansin ni Gelo na medyo matagal nang wala si Oyence kaya nagpasya syang hanapin ito.
"May kukunin lang ako sa kwarto" alibi ni Gelo kay Owhyn.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...