Unexpected person
"Bakit parang ikaw naman ang magpapakipot tol" sabi ni Carl
Nalaman ng mga kaibigan ni Gelo ang tungkol sa kagustuhan ni Gracy na magkausap silang dalawa.
Lagi kasi tinatanong ni Gracy sina Carl at Bryan kung kailan nito plano makipag-usap sa kanya.
Hindi na kasi sinagot ni Gelo yung sulat ni Gracy. Two weeks na rin ang nakakalipas at hanggang ngayon wala pa rin syang sagot sa sulat ni Gracy.
"No big deal naman sa akin kung ano pa man yung dahilan nya sa sulat" diin ni Gelo kay Carl. "At isa pa di naman ako interesado malaman kung bakit sya naging masungit sa akin eh"
"Bakit tol, di mo na ba sya crush?" tanong ni Joel
Hindi agad sumagot si Gelo.
.
.
."Hindi ko alam" sagot ni Gelo kay Joel "Basta hindi ko alam"
"Ang labo mo tol" sabi ni Carl "Eto na nga yung chance mo. Pero ayaw mo pa sunggaban"
"Wala naman ata sinabi si Gracy sa sulat nya na gusto nya si Gelo" sabi ni Bryan
"Pero wala din naman sinabe si Gelo na crush nya rin ito" Carl pointed out.
"Teka lang bakit tila mag-aaway pa ata kayong dalawa dahil lang dun?" pag-awat ni Ben sa kanila. "Relax lang kayo ok. Alalahanin nyo si Gelo ang may choice sa kung ano man ang gusto nya gawin""Gaya ng sabi ko hindi ako interesado sa sasabihin nyang dahilan. Basta tapos na yon. Nangyari na at wala nang dapat ipaliwanag pa" sabi ni Gelo
.
.
.Tila hinayaan na lang ni Gelo ang issue sa kanilang dalawa ni Gracy.
.
.
.Nang recess ay bumaba sina Gelo kasama ang mga kaibigan nya papuntang canteen.
Habang pababa sina Gelo sa hagdan ay palihim na pinagmamasdan si Gelo ni Ohwyn.
Simula ng makita ni Ohwyn si Gelo ay lagi nya na ito inaabangan pag recess.
Alam nya na din kung saan ang classroom nito.
Wala syang pakialam kung mag-mistula syang stalker. Basta ang importante ay makita nya ito lagi.
Hindi kumpleto ang buong araw nya ng hindi nya ito nakikita.
.
.
.Di nakuntento si Ohwyn at pumasok ito sa canteen at kumuha ng makakain.
Naupo sya sa table na malapit sa tapat ng table na inupuan nina Gelo at mga kaibigan nito.
Pasulyap lang kung tumingin si Ohwyn kay Gelo.
May isang pagkakataon na nakita sya ni Gelo na nakatingin ngunit agad naman nyang ibinaling ang paningin sa iba upang hindi mahalata ni Gelo na tinitingnan nya ito.
Pakiramdam ni Ohwyn ay gustong gusto nya kausapin si Gelo. Pero wala sya magawa dahil laging marami kasama si Gelo.
Lagi nya sinasabi sa sarile nya na gagawa at gagawa sya ng paraan magkalapit lang silang dalawa.
-------------------------------------------------
Gelo's PoV:
It's Monday.
Napaaga ang pagpasok ko.
Madilim pa nang dumating ako dito sa school.
Wala pang mga estudyante sa quadrangle (kung saan kami nag-pa-flag ceremony).
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...