Rivalry in Love
"Papa Jake, di mo naman sinabi na prinsipe ka pala" sabi ni Marla kay Jacob.
Almost 6 hours silang nasa byahe at nang dumating sila sa Mansion House nina Jacob sa Cam Sur ay 7pm na.
Napakalaki ang mansion house na ito.
Upstairs: 2 Master bedrooms, 3 bedrooms with sitting room, 2 bedrooms, 4 guest rooms, hall bathrooms, lounge, exercise room, home cinema, snack kitchen, lap pool, reading room.
Ground floor: Main kitchen, living/family room, dining room with chandelier, food stores, sun room
Basement: Wine cellar, game room, billiard table, tunnel to the stable, music practice room.
Attics: Servants quarters, storage
Outside: Lake with lake house, Garage, Garden, Boat and dock, shed with fishing supplied, paddles, stream, tree house, hammock, Pile of sand, swing, playground, Pavillion and BBQ area, basketball court, tennis court, outdoor and indoor pool.
Meron din silang farm land na napakalawak.
"Loko loko" natawang tugon ni Jacob. "Prinsipe ka dyan!"
"Pag niyaya mo talaga akong magpakasal sayo, oo kaagad ang isasagot ko" pabiro pang sabi ni Marla. "My future is safe with you" dagdag pa nito na dahilan para tumawa ang lahat.
"Hahaha, tama na nga yang kalokohan mo" natatawang sabi ni Jacob. "Sya nga pala, this is Manang Stella. Sya yung namamahala dito sa mansion." pakilala niya sa isang matandang babae. "Manang, mga kaibigan ko po sila"
"Magandang gabi sa inyong lahat" pagbati ni Manang Stella. "Ipapahanda ko na muna ba Sir Jacob yung hapunan?"
"Manang, sabi ko naman sa inyo na wag nyo ako tatawagin sir, Jacob lang po" protesta ni Jacob.
"Hay naku ito talagang batang ito" sagot ni Manang Stella. "Alam mo namang hindi ako sanay na tawagin kayo sa pangalan nyo lang"
"Sanayin nyo na po" sabi pa ni Jacob. "Sige manang, ipahanda nyo na po muna yung hapunan. Siguradong gutom na sila sa sobrang haba nang binyahe namin"
"Sige iho" tugon ni Manang Stella. "Habang ipinapahanda ko yung pagkain, baka gusto nyo muna ilagay yung mga gamit nyo sa kwarto? Ipinaayos ko na yung mga guest room natin"
"Sige po manang" sagot ni Jacob. "Aakyat na po muna kami. Ako na bahala mag-hatid sa kanila sa mga guest rooms natin"
"Kailangan nyo po ba nang mga magbubuhat nang gamit?" tanong ni Manang Stella. "Papatawag ko po yung mga kasambahay natin"
"Naku, wag na po manang" sagot ni Mary. "Magagaan lang naman po itong mga dala namin"
"Oo nga po manang" pag-sang-ayon naman ni Jacob. "Okay, lets go guys. Akayat na muna tayo sa taas"
---------------oOOOo------------------------------
"Grabe yung mansion nyo tol" sabi ni Jasper. "For sure di ko kayang libutin ito nang isang araw"
"Kaya naman siguro" sagot ni Jacob. "24 hours ka nga lang siguro na mag-iikot"
"Hahaha, walang tulugan at di pwede magpahinga" sabi pa ni Jasper.
"Eh sino naman kasi ang may sabi sayo na libutin mo ito?" sabat ni Marlon. "Hindi ka naman dito titira para kabisaduhin ang bawat sulok nang mansion na ito"
"Malay mo ampunin ako nang papa ni Jacob" biro ni Jasper.
"Asa ka pa" nanunuyang sagot ni Marla. "Ako ang dapat i-tour ni papa Jake dito. Para bago kami magpakasal eh kabisado ko na bawat sulok nang bahay na ito. Di ba papa Jake?" sabi pa nito sabay angkla sa braso ni Jacob.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...