Chapter Thirty One

101 11 0
                                    

To fix you

"Saan kita hihintayin mamaya?" tanong ni Owhyn kay Gelo.

Niyaya ni Owhyn si Gelo na pumunta ng Mall after ng klase nya. Ayaw sana nya ngunit sadyang makulit si Owhyn kaya wala sya magawa kundi ang pumayag.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan ni Oyence. Mahigit 3 weeks na silang ganito. Seen zone lang sa isa't isa.

Kapag pupunta ng court si Gelo at makikita nyang naglalaro si Oyence ay hindi na ito tumutuloy.

Kapag si Oyence naman ang pupunta ng court at nakita nya na naglalaro si Gelo ay hindi na sya sumasali, nanunuod na lang sya.

Minsan ay nagtatanong ang mga kaibigan nila kung nag-away ba sila , itinatanggi na lang nila.

Sa ganitong sitwasyon nilang dalawa ay nakakita si Owhyn nang pagkakataon na para makuha ang atensyon ni Gelo. At wala syang araw na sinayang.

"Sa harap na lang ng library" sabi ni Gelo. "Bakit hindi mo niyaya yung ibang tropa?" tanong ni Gelo.

"Next time na lang sila" tugon ni Owhyn. "Tsaka di ba nga sabi ko may bibilhin ako. Makakasagabal lang sila sa pagpili ko dahil magugulo sila"

"Ano ba yung bibilhin mo?" tanong ni Gelo.

"Basta" sabi ni Owhyn. "Sige na punta ka na sa room mo baka ma-late pa tayo pareho" sabi pa nito sabay nagmamadaling naglakad palayo kay Gelo ng nasa tapat na ito ng room nya.

Pumasok na si Gelo sa classroom nila.

"Akala namin late ka na eh" sabi ni Joel.

"Muntik na nga" tugon ni Gelo.

"Bakit? Tinanghali ka ba nang gising?" tanong ni Carl.

"Si Owhyn ang tinanghali" sagot nya.

Araw-araw nang magkasabay sina Gelo at Owhyn, pagpasok at pag-uwe.

Unti-unti nang nag-grow ang feelings ni Owhyn para kay Gelo. Walang araw na hindi nya ito gusto makasama.

.
.
.

Naunang natapos ang klase ni Owhyn kaya nag-abang ito sa tapat ng room ni Gelo.

20 minutes pa bago matapos ang last subject ni Gelo.

"Yung sundo mo nasa labas na" bulong ni Carl. Sumulyap ng tingen si Gelo sa labas at tanaw sa kinauupuan nya si Owhyn. "Parang mag-syota kayong dalawa ha" panunukso pa ni Carl na agad namang binawian ni Gelo sa papamagitan ng pagtapak sa paa nito. "Aw! Aray!" pagdaing niya.

"Makinig ka kay Ma'am" mahinang sabi ni Gelo "Kung ayaw mong pareho tayong patayuin sa harap kapag nahuli tayong nagdadal-dalan"

"Oo na!" tugon ni Carl. "Tanggalin mo na yung paa mo"

Inalis nga ni Gelo ang pagkakatiin ng paa nya sa kaibigan.

.
.
.

Nang matapos na ang klase ay lumabas na si Gelo at mga kaibigan nya.

"Haaaaaist kala ko di na kayo palalabasin ng terror nyong teacher eh" salubong ni Owhyn kina Gelo.

"Bakit nainip ka ba?" tanong ni Carl kay. "Parang hindi ka sanay maghintay dito sa syota mo" biro pa nito sabay akbay kay Gelo.

Agad naman siniko ni Gelo ang kaibigan .

"Wala ba tayong gala ngayon?" tanong ni Allan.

"Oo nga Biyernes naman walang pasok bukas" pagsang-ayon ni Carl.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon