The start of our extraordinary romance
"Anak bakit di na pumupunta dito si Oyence? Ilang linggo na di nagagawi dito ang batang yon" tanong ng Papa ni Gelo.
Biyernes ng hapon habang nasa sala at nanunuod ng PBAsi Gelo at ang Papa nya ay bigla nitong naungkat ang hindi na pagpunta sa bahay nila si Oyence.
Mag-iisang buwan ng di nagagawi si Oyence sa bahay nila. Bukod yung insidente nung nakaraang Linggo nang ihatid ni Jacob si Oyence na lasing na lasing.
"Baka may LQ" pabirong sabat ng Mama ni Gelo.
Sa di maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ng pagkainis si Gelo.
"Kailangan ba lage kami magkasama?" tugon ni Gelo sabay tayo at pumasok sa kwarto nya.
Dati rati ay balewala lang sa kanya kapag tiinutukso silang magsyota dahil lage silang magkasama. Pero ipinagtaka ng Mama at Papa nya ang kanyang naging reaksyon.
Kahit ang mga magulang ni Oyence ay labis na nagtataka sa di pagpunta ni Gelo sa kanilang bahay. Di na lang nila ito inuungkat dahil naniniwala silang kung meron man problema ang dalawa ay mas maganda na sila din ang umayos nito.
Bukod sa mga magulang nila ay pati na rin ang mga common friends nila ay unti-unti na ring nakakahalata. Minsan ay dinadaan na lang nila sa biro ang napapansin nila.
------------------------------------------------
Flashback:Nakatambay sina Oyence at mga kaibigan nya sa court.
"Bro, bibihira mo na ata kasama ang utol mo?" tanong ni Jeff.
"Oo nga" pagsang-ayon ni Luigi. "May LQ ba kayo?"
Pilit na ngite lang ang itinugon ni Oyence.
"So nag-away nga?" sabi ni Ed.
"Busy lang kami pareho kaya di magtapo schedule namin" alibi ni Oyence.
-------------------------------------------------
Todo iwas din ang ginagawa ni Gelo sa kaibigan. Kapag pupunta sya ng basketball court at nakita nya na andun si Oyence ay hindi na sya tumutuloy.
Si Oyence naman ay kapag nakita nya naglalaro si Gelo ay kuntento na lang sya sa panunood.
---------------------------------------------------------
Flashback:
May dayo sa court at magsisimula na ang laro ng saktong dumating si Oyence.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...