Chapter Fifteen

196 23 1
                                    

Freshmen and Sophomore

"Tsong ano?" sabi ni Gelo kay Oyence na kausap nya sa telepono "Punta ka na dito. Kailangan ko ang tulong mo"

Almost one month na ang nakalipas mula ng mag-start ang school year. Naging busy pareho nating bida na sina Oyence at Gelo.

Gelo is in his sophomore high and Oyence isbin his Freshman college. Bibihira na naman magkita ang dalawa. Tanging telepono lang ang kanilang paraan para makapag-usap. Pero tuwing weekend ayay sleepover pa rin sila.

Nagpapatulong si Gelo sa homework nya sa Biology kaya pinipilit nyang papuntahin si Oyence sa bahay nila.

"Ayoko nga" sagot ni Oyence "Naaalala mo lang ako kapag may homework ka"

"Tsong naman, alam mo namang hindi totoo yan" tugon ni Gelo "Sige na please punta ka na dito"

"Gusto ko yang ganyan" sabi ni Oyence "Yung nakikiusap ka. Masarap sa tenga. Sige nga isa pa nga" biro pa nito

"Please" tugon ni Gelo

"Parang hindi naman sincere" sabi ni Oyence

"Please" sabi ni Gelo sa mas malambing na tono ng boses

"Hahaha" tawa ni Oyence "Sige na nga. Pupunta na ako"

"Thanks!" sabi ni Gelo "Bye!"

"Ok bye" tugon ni Oyence

"Stefan kapag dumating si Oyence sabihin mo nasa kwarto ako" bilin ni Gelo sa kapatid

Naiwan si Stefan kina Gelo para doon na mag-aral. Nasa abroad na ang mother nila kaya si Stefan ay ipinagbilin na rin na doon na mag-aral. He is in 6th grade. Ginawan sya ng maliit na kwarto dahil na rin sa kagustuhan ni Gelo na hiwalay sila ng kwarto. Si Damon naman ay bumalik na sa Manila sa father nila. Gusto rin sana nya na kina Gelo tumira pero hindi pumayag ang father nila.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Oyence.

"Hi Tita" bati ni Oyence sa Mama ni Gelo sabay mano sa kamay nito

"O iho" tugon ng Mama ni Gelo "Stefan tawagin mo ang kuya mo. Sabihin mo andito si Oyence"

"Bilin nya kuya Oyence pag dumating ka daw sabihin ko na nasa kwarto sya" sabi ni Stefan

"Sige po tita puntahan ko na lang sya sa kwarto nya" sabi ni Oyence

"Ok sige iho" tugon ng Mama ni Gelo "Iho dito ka na maghapunan ha" pahabol nito

"Sige po tita. Namimiss ko na luto mo eh" nakangiteng tugon ni Oyence

Pagpasok ni Oyence sa kwarto ay nakita nya si Gelo na gumagawa ng homework.

"Need help?" tanong ni Oyence

"Haaaay salamat dumating ka na" sabi ni Gelo

"Bakit hirap na hirap ka sa homework mo?" tanong ni Oyence

"Biology eh" sagot ni Gelo "English kasi kaya medyo nahihirapan ako intindihin. Masyado kasi malalim yung ibang terms"

"Ah ganun ba" tugon ni Oyence "Laking abala nito sa akin ha" biro pa nito

"Sorry na" sabi ni Gelo "Kailangan ko lang talaga tulong mo"

"Sige na nga"

Tinulungan ni Oyence  si Gelo sa homework nito. May mga pagkakataon na halos magkadikit na ang kanilang mukha kapag may ini-explain si Oyence mula sa libro. Minsan ay pinagmamasdan lang nito ang kaibigan ng hindi nito napapansin. Isang beses ay nahuli sya ni Gelo na nakatitig sa kanya.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon