Chapter Thirty Eight

43 10 0
                                    

Sem-Break Love Affair


"Mag-iigib lang muna ako bago kami umalis" sabi ni Owhyn kay Gelo.

Two weeks after ng umalis si Gelo sa kanila.

Tatlo na lang sila magkasama sa bahay dahil si Bryan ay umuwi na sa kanila. Silang tatlo ay nagkasundo na magpapalitan sila sa pagpapahinante. Ang set-up nila ay dalawa ang sasama sa deliver ng tubig at isa ay maiiwan sa bahay para magluto ng tanghalian at hapunan. Alternate silang tatlo.

Si Gelo ang naiwan ngayon araw. Sya ang nagluto ng tanghalian. At sya rin ang mag-huhugas ng pinggan na pinagkainan nila. Kaya naman si Owhyn ay nag-prisinta na mag-igib ng panghugas ng pinggan at pangluto ng hapunan bago sila umalis at bumiyahe.

Ayaw ni Owhyn na masyadong nabibigatan si Gelo sa mga gawain. Lalo na kapag silang dalawa ang magkasamang magpahinante. Halos lahat ay sya na lang ang kumikilos. Kahit minsan ay medyo naiinis na si Gelo dahil sa pakiramdam nito na parang babae sya na laging inaalalayan.

"Ako na lang ang mag-iigib mamaya" pagsalungat ni Gelo. "Magpahinga ka na lang muna"

"Ako na" pagpupumilit ni Owhyn sabay labas ng bahay dala-dala ang dalawang balde.

"Ang sweet nyong dalawa" biro ni Carl. "Para kayong mag-asawa"

"Loko loko" tugon ni Gelo. "Palibhasa wala dito si Bry kaya ako naman ang pinag-ti-tripan mo"

"Hahaha" tawa ni Carl. "Na-mi-miss ko na din yung loko na yon. Wala ako maasar, ang sarap pa naman nyang asarin dahil pikon"

"Hahaha! Baka naman na-de-develop ka na sa kanya" biro ni Gelo.

"Ew" tugon ni Carl nan aka-ngiwi ang mukha. "Never ako magkakagusto sa kapwa ko lalaki. Hindi ako bakla. Masamang magkarelasyon ang pareho ng kasarian"

Natigilan si Gelo nang marinig ang mga salitang yon.

Parang nasaktan ang ego nya.

Naisip nya na tama ba ang pakikipag-relasyon nya kay Oyence?

"Sino naman ang nagsabi sayo nyan?" tanong nya kay Carl.

"Erpat at Ermat ko" sagot ni Carl. "Sabi nila na ang babae ay nilikha para sa lalaki at ang lalaki ay nilikha para sa babae. Kaya hindi pwede na magkagustuhan ang parehong babae o kaya parehong lalaki" seryososng sabi pa nya. "Tsaka, paano magkaka-anak ang parehong babae o kaya parehong lalaki? Ang tamang pagmamahalan ay sa pagitan ng babae at lalake lang hindi sa pagitan ng parehong babae o kaya parehong lalake".

"Minsan ang tunay na pagmamahal ay di namimili" sabi ni Gelo. "Walang pinipiling hitsura, edad, antas sa buhay at kahit kasarian. Kapag dumating ang tunay na pagmamahal sa di inaasahang pagkakataon, hindi na natin maiisip yung mga bagay na kung ano ang tama at kung ano ang mali" seryosong sabi pa nito. "Kaya maraming tao ang hindi maligaya dahil sinunod nila ang pamantayan na sinasabi ng ibang tao, ng relihiyon, ng magulang, ng kaibigan, lalong lalo na nang lipunan na ginagalawan nila"

Narinig ni Owhyn ang mag sinabe ni Gelo.

Lalo lang nya ito hinangaan.

Nakaramdaman sya ng kakaibang saya.

Sa sinabing iyon ni Gelo ay pakiramdam nya ay nagkaroon sya ng pag-asa sa nararamdaman nya para dito.

"Ang lalim nun tol ha" sabi ni Carl. "Pero basta ako, hinding hindi ako magkakagusto kay Bry o kahit na sino pang kapwa ko lalaki"

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon