Chapter Five

166 25 0
                                    

First Day High

Krrrrrrrrring........ Krrrrrrrrrriiiiiing........ Krrrrrrrrrriiing

"Hello!" sagot ng Mama ni Gelo sa telopono

"Good morning tita!" pagbati ni Oyence

"Good morning din" sagot ng mama ni Gelo. "Ang aga mo iho"

Umpisa na nang school year

First day sa High School ni Gelo. Sa Antipolo City High School sya nagpa-enroll ito ang pinakasikat na public school sa Antipolo. Mula sa bahay nina Gelo ay 30 mins ang byahe. Sasakay muna sya ng tricycle papunta sa bus station.

"Maaga din po kasi schedule ko tita " sagot ni Oyence "Si Gelo po gising na po ba?"

"Oo iho nag-aalmusal na. Teka lang iho ibibigay ko yung phone sa kanya" sabe nang mama ni Gelo "Tong phone si Oyence" sabay abot ng phone kay Gelo

"O ang aga mo tumawag ah" sabe ni Gelo

"Tsini-Check ko lang kung gising ka na" tugon ni Oyence

"Kanina pa po ako gising sir" sabe ni Gelo

"Ano oras uwe mo" tanong ni Oyence

"Di pa nga ako pumapasok. Pag-uwe agad yung tinatanong mo" pabirong sabe ni Gelo

"Aga mo nagising ah" tugon ni Oyence "Excited ba?"

"Di naman" sagot ni Gelo "Ikaw ang aga mo din nagising ah? "

"Excited kasi ako" tugon ni Oyence

"Nag-almusal ka na? " tanong ni Gelo

"Tapos na" sagot ni Oyence "O sya sige na tapusin mo na almusal mo" sabe pa ni Oyence

"Ge" tugon ni Gelo

"Mamaya kita tayo sa court hapon" sabe ni Oyence

"Ge" tanging tugon ni Gelo "Bye"

"Bye" tugon ni Oyence

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Bumiyahe na nga si Gelo papasok sa eskwela. Una nya sasakyan ay tricycle papuntang paradahan ng bus. Mahaba ang pila ng mga estudyante sa bus station

Nang makarating si Gelo sa school ay around 5:30am. Marami na ang mga student na nag-hihintay para sa flag ceremony. Quarter to six nagumpisa ang flag ceremony. After the ceremony ay nagsimula na ang mga student para hanapin ang classroom nila.

Madaling nahanap ni Gelo ang classroom nya. Naupo sya sa bandang gitna. Right 3rd row he is on the second seat.

"May katabi ka ba?" tanong sa kanya ng isang estudyante

"Wala! " tugon ni Gelo

Umupo sa tabe nya yung student. Naupo ito sa upuan sa kanan nya.

Tahimik lang si Gelo.

Dumating na yung class adviser nila.

"Good morning class!" pagbati ng guro na sinagot ng katulad na pagbati ng buong klase. Lumapit ito sa blackboard para isulat ang buong pangalan nito "I am Ms. Kristina Tamayo and I'll be your adviser and your Math teacher" nagsulat ulit ito sa blackboard. "Please copy your schedule". Isunulat nito ang oras ng bawat subject at ang designated teacher. "So after nyo kopyahin yan eh its time to intruduce yourselves one by one". After nga nila kopyahin ang schedules ay nagpakilala nga isa isa ang bawat estudyante.

"Medyo mahihirapan ako tandaan ang pangalan nyong lahat kaya tomorrow you will have your name tag's" Bilin ni Ms. Tamayo "So I have to go now, your next teacher is already here" sabi nya pa sabay tingen sa pintuan ng classroom na nandun ang sunod na guro. "See you later" sabe pa nito.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon