Chapter Four

180 24 2
                                    

A Basketball from the heart

"Nakakuha ka na ba ng entrance exam sa school namin" tanong ni Oyence kay Gelo

Nagbibinata na ang magkaibigan. Si Oyence ay 16anyos na habang si Gelo ay mag-13 na. Malaki na ang ipinagbago sa pisikal na kaanyuan ng dalawa.

Si Oyence ay mas lalong gumuwapo. Gumanda ang mata nya na medyo chinito. Ang kanyang ilong ay mas lalong nagka-korte at tumangos. Maganda din ang kanyang maliit at mapupulang labi. Matangkad sya kumpara sa kanyang mga kaedad. Marami ang nagkaka-crush sa kanya sa campus nila. Ngunit ni isa ay wala sya nagustuhan dahil wala sya panahon sa ganitong bagay dahil seryoso sya sa pag-aaral at focus sya sa sports na basketball. Varsity player sya sa school nila. Kahit abala sa sports ay di naman nagbago ang maputi nyang kulay. May pagka-hearthrob ang dating nya. Pag dating naman sa character ay mas lalong nag-matured ang kanyang isip. He is optimistic at sensible. Nagiging childish sya minsan kapag kasama nya si Gelo pero mas madalas ay pinapairal nya ang big brother image nya dito. Malawak ang kanyang pang-unawa sa mga bagay bagay. Hindi sya nagdedesisyon ng basta basta. He think twice or many times bago magdesisyon. He is a little bit reserved. Mahirap basahin ang kanyang iniisip. But the things that never changed is his good heart.

"Ayoko sa school mo tol. Gusto ko sa public lang" sabi ni Gelo

Gelo grew fast too. He is 3 inches smaller than Oyence pero yung height nya ay hindi rin akma sa kanyang mga kaedad. Mabilis ang naging paglaki nya pero still yung hitsura nya ay bakas pa rin ang pagiging bata. Nagbago ang kanyang skin complexion. Dati ay medyo maputi sya, pero ngayon ay naging kayumanggi sya dahil naging active sya sa sports na basketball. Si Oyence ang nakaimpluwensya sa kanya sa sports na ito. Si Oyence din ang nagturo ng mga basics ng sports na ito pero napuna ng daddy nya na may natural talent si Gelo sa basketball. Kapag Sunday morning kasi ay tini-training si Oyence ng daddy nya at sumasabay na rin si Gelo kaya napansin ng daddy ni Oyence na may natural skills si Gelo sa sports na ito. Mas lalo pa sya gumagaling at nag-iimprove sa araw araw na paglalaro nya dahilan kung bakit nagbago ang kanyang kulay. Bagay sa kanya ang fair complexion dahil makinis ang kanyang mukha. Di man masyado matangos ang kanyang ilong ay maganda pa rin ang hubog nito. Di nagbago ang kanyang mata. Mapungay ito at medyo mahaba ang pilikmata. Very expressive ang mga mata nya na mababasa dito ang kanyang emosyon. Maganda ang hubog ng kanyang mapupulang labi. Marami ang nagsasabi na perpect daw ang labi nya dahil very kissable. Marami din ang nagkakagusto sa kanya. Boy next door ang dating nya. 5th grade pa lang ay nagka-girlfriend na sya agad pero hindi sya naging seryoso dito kaya tatlong buwan lang nagtagal ang relasyon nya dito. Gelo's characteristic changed a little. Medyo naging matured sya pero di nagbago ang pagiging playfull nya. Mahilig sya mangulit kapag naglalambing sya. He is very sweet and thoughtful. He is naughty yet so vulnerable. He is a typical teenage boy. Very showie sya kay Oyence at sa iba nya mga barkada. Mahilig sya umakbay sa kaibigan minsan yung akbay ay parang yakap na. Mahilig din sya umunan sa balikat ng mga barkada nya lalong lalo na kay Oyence. Napakalambing nya dahilan kung bakit mabilis syang mapalapit sa kahit na sino man. Very natural sa kanya ang pagiging friendly. Pero syempre si Oyence ang itinuturing nya na bestfriend, kuya at teacher. Idolo nya ito sa lahat ng bagay. Habang si Oyence naman ay nakakabatang kapatid ang turing sa kanya.

"Bakit naman ayaw mo sa school na pinapasukan ko?" protesta ni Oyence "Ayaw mo ba na magkasama ulit tayo sa school? Tsaka kapag andun ka na isasali kita sa varsity team para maging mag-ka-teamate tayo at ikaw na ang magiging ace player sa school" medyo buo na ang boses ni Oyence. Malinaw sya magsalita at mahinahon.

"Yun na nga eh, 4th year ka na at ako ay 1st year pa lang. Isang taon lang tayo magkakasama sa school" tugon ni Gelo "At tsaka isa pa masyado magastos sa school na pinapasukan mo. Ayoko mahirapan sina Papa sa pagbabayad sa tuition ko" paliwanag pa ni Gelo habang nagdidribol ng bola. Kasalukuyan pauwe kasi sila ni Oyence galing sa basketball court.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon