Chapter Three

170 25 2
                                    

True friend instinct

"San ka magbabakasyon this summer?" tanong ni Oyence kay Gelo....

Its almost a year na magkaibigan sina Gelo at Oyence. Habang tumatagal ay mas lalong tumitibay ang pagkakaibigan ng dalawa. Halos di na sila mapaghiwalay. Madalas na din matulog si Oyence sa bahay nina Gelo lalo na ngayong bakasyon at walang pasok sa eskwela. Oyence is 12yrs old while Gelo is 9. On the next school year ay graduating na ng elementary si Oyence at Grade 3 na si Gelo. Masasabeng mas kilalang kilala ni Oyence si Gelo kesa si Gelo sa kanya. Mas matured mag-isip si Oyence kaya madali nya nakabisado ang ugali ni Gelo at napakadali para sa kanya mag-adjust lalo na mood nito. Bihira sila mag-away at may mga pagkakataon man na magkaiba ang kanilang pananaw ay marunong naman si Oyence magpakumbaba dahil alam nya na sya ang mas matanda. Alam nya kapag si Gelo ay wala sa mood. Alam nya din kapag ito ay naboboring na. Madalas na naglalaro ang dalawa sa kaparangan, madalas magbike at tumambay sa bidyuhan na hinuhulugan ng piso. Paborito nilang laruin ang 'Samurai Showdown' at 'Tekken'.

"Di ko alam kung pagbabakasyunin ako sa house ng tita ko sa Angono" sagot ni Gelo sa tanong ni Oyence habang sila ang naglalaro ng Tekken

"Last year ba dun ka nagbakasyon?" tanong muli ni Oyence

"Oo" mabilis na sagot ni Gelo "Bakit ikaw ba?"

"Baka dito lang ako sa Antipolo" sagot ni Oyence "Last summer dun ako sa Pangasinan nagbakasyon. Pero ngayon gusto ni Daddy na mag-pokus ako sa training ko sa basketball"

"Ahh ganun ba?" tugon ni Gelo "Eh di sasabihin ko kina mama na dito na lang din ako para magkasama pa rin tayo ngayon summer"

"Talaga!" tugon ni Oyence na halatang natuwa sa narinig

"Oo. Sana nga lang pumayag sina mama at papa" sabe ni Gelo

"Papayag yun" sabe ni Oyence "Gusto mo tulungan kita magsabe sa kanila?"

"Sige para makumbinsi natin sila" excited na sagot ni Gelo "Ang daya naman" mabilis nasabe ni Gelo matapos matalo ni Oyence ang karakter na gamit nya sa Tekken

"Pano ba yan talo ka na naman?" pangungutyang tanong ni Oyence

"Ang daya mo kasi" tugon ni Gelo

"Paano ako naging madaya?" tanong ni Oyence

"Kinakausap mo kasi ako para madistract" sagot ni Gelo

"Hehe talo ka lang talaga bakit di mo na lang tangapin?" pilyong tugon ni Oyence

Madalas silang mag-asaran kapag naglalaro sila ng Tekken. Di pa nanalo si Gelo kay Oyence sa larong ito pero di naman manalo si Oyence kay Gelo sa larong Samurai Showdown. Pagkatapos nila magbidyo ay nagpunta na sila sa kaparangan para magbike at makipaglaro sa mga kaibigan nila. Nang dumating sila doon ay naglalaro na sina Rj at ang ibang mga kaibigan nilang bata na madalas maglaro dun. Sumali sila sa larong tumbang preso. Madalas magtulungan sina Gelo at Oyence. At kapag si Gelo ang taya at napapansin ni Oyence na nabuburot na ito ay kusang nagpapataya si Oyence pero di nya pinapahalata na sinasadya nya ito. Nang nagsawa sila sa larong ito ay naglaro naman sila ng agawan base. Di nila napansin ay medyo gumagabe na pala at habang naglalaro sila ay may papalapit sa kanilang lalake na may dalang pamalo. Maya maya ay lumapit ito kay Rj, tatay nya pala ang lalake.

"Gabe na di ka pa umuuwe" sabe nung lalake sabay hablot kay Rj "Wala ka na nagawa maghapon kundi puro laro" galit sa sabi ng Papa ni Rj at inundayan sya nito ng palo sa pwet

"Papa tama na po" tugon ni Rj habang umiikyak sa natamong palo

"Di bat sinabe ko sayo na umuwe ka agad dahil walang magsasaeng sa bahay? Pero kailangn ka pa sunduin dito?" nagngangalit na bigkas ng papa ni Rj. At ng uundayan nya ulit ito ng palo ay may pumigil sa kamay nito

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon