Love is confusions, happiness and sadness
"Sigurado ka ba iho na uuwi na sya bukas?" tanong ng Mama ni Gelo kay Oyence.
Tumawag si Gelo kina Oyence. Sinabi nito na makikipag-kita sya bukas kay Oyence. Pero hindi nito sinabi na uuwi na sya.
Sa sobrang saya ni Oyence ay agad itong nagtungo sa bahay nina Gelo para ibalita sa Mama at Papa nito ang napagkasunduan nila.
Halos maluha luha ang Mama ni Gelo nang marinig ang sinabi ni Oyence. Samantalang ang Papa nito ay halatang tuwang tuwa sa ibialita ni Oyence.
"Hindi nya po sinabi na uuwi na sya" sabi ni Oyence. "Pero wag po kayong mag-alala hindi ako papayag na hindi ko sya maisasama pauwi dito bukas".
"Gaano ka kasigurado na makukumbinsi mo ang utol ko na umuwi na dito bukas?" tanong ni Damon kay Oyence. "Mas magandaa isama mo ako bukas. Para kapag hindi mo sya napapayag na umuwi na, eh dadaanin ko na sya sa dahas. Kung kinakailangan na kaladkarin ko sya pabalik dito sa bahay para matapos na itong problemang dinulot nya kina Mama at Papa, gagawin ko" galit na suhestyon pa nito.
"Baka mas lalong lumala ang sitwasyon kapag ginawa mo yon" tugon ni Oyence. "Let me handle this".
"Kilala ko ang kapatid ko" mabilis na tugon ni Damon. "Matigas ang ulo non, hinding hindi yon makikinig sa payo nang sinuman".
"Kung meron dapat sumama kay Oyence walang iba kundi ako" sabi ng Mama ni Gelo. "Nagkamali na ako nang naging padalus-dalos ako sa pagsasalita nang hindi ko man lang iniisip ang damadamin nya. Kaya kung hahayaan ko na gawin mo Damon ang pamamaraan na naiisip mo, baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon at lalong hindi na bumalik pa dito ang ang anak ko" katwiran pa nito. "Kaya ako na lang ang sasama".
Hindi alam ni Oyence kong ano ang itutugon nito sa Mama ni Gelo.
Naisip nya tuloy na sana ay hindi nya muna sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkikita nila ni Gelo bukas.
Natatakot lang sya na baka hindi magpakita sa kanya ito bukas kapag nakita nito na may ibang syang kasama. Lalo na't kabilin-bilinan nito na wag syang magsasama. At isa pa ayaw nyang masira ang tiwala ni Gelo sa kanya kapag hindi sya tumupad sa kasunduan nila.
"Sa tingin ko mas makakabuti kung ipapaubaya muna natin kay Oyence ang lahat" sabi nang Papa ni Gelo. "Naiintindihan ko na pare-pareho tayo nang kagustuhan na umuwi na dito si Tong. Pero hindi pwede na daanin natin sa marahas na paraan gaya ng naiisip ni Damon. Kung kay Oyence nya gusto makipagkita i-respeto natin yon" punto pa nito. "Isa pa, sigurado ako na ibinilin nyang si Oyence lang ang dapat na nandoon bukas. Tama ba ako iho?" tanong nito kay Oyence na patangong sumagot. "Kung yon ang kagustuhan nya dapat natin isaalang-alang yon. Ayokong mangyare na kapag nakita nyang may kasama si Oyence bukas ay hindi sya magpakita. Mas lalo lang tayo mawawalan nang pagkakataon na maayos ito".
Nakahinga nang maluwag si Oyence nang marinig ang sinabi nang Papa ni Gelo.
"Pero paano nga Pa, kung hindi nakumbinsi ni Oyence na umuwi na dito si Gelo?" sabi ni Damon. "E di mas lalo tayong nawalan nang chance na maiuwi sya dito sa bahay".
"Kung ganun ang magiging desisyon ng kapatid mo, eh di wala tayong ibang magagawa kundi ang respetuhin ang desisyon nyang iyon" mabilis na tugon nang Papa ni Gelo. "Pero malaki ang tiwala ko na makukumbinsi nyang umuwi dito si Tong. Nagawa nya na yon dati, natatandaan mo ba yon Ma?"
Ang tinutukoy ng Papa ni Gelo ay yung nangyare nung bata pa ito. Nang hindi ito umuwi nung tiradurin nya ang Papa ni Rj. Si Oyence ang nakahanap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
Lãng mạnThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...