Chapter Twenty One

124 22 0
                                    

There's always a good side and a bad side

"De Guzman bumalik ka dito" sigaw ng isang gurong lalaki kay Owhyn na tumatakbo.

First Monday of the month kaya gupitan na naman ng buhok.

Para sa mga estudyanteng hindi sumusunod sa standard haircut ng school eh inuukaan ng mga guro ang kanilang buhok.

Isa si Owhyn sa laging sumusuwaynsa school policy na yon.

"Habulin mo ako kung gusto mo" nang-aasar na sabi ni Owhyn sabay takbo.

.
.
.
.

Samantala, naglalakad si Gelo kasama sina Carl atbp. nyang mga kaibigan papuntang classroom nila.

"Alam nyo bang may bagong crush na naman si Gelo?" sabi ni Carl

"At sino naman?" tanong ni Joel

"Yung chick sa tapat ng room natin" sagot ni Carl

"Wag ka ngang maingay dyan" sabi ni Gelo

"Parang alam ko na yan ah" sabi ni Allan "Yan ba yung medyo mahaba ang buhok tapos matangos ang ilong, maliit ang bibig?"

"Oo" sabi ni Carl "Kaya lang di pa nya ginagamit yung mga da-moves nya"

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang reaksyon ni Joel "Wag mong sabihing na-ti-tyope ka?"

"Haha, crush ko pa lang naman mga tsong. Kaya hindi ko pa nililigawan" sabi ni Gelo

"Kilala ko sya tol" sabi ni Bryan "Gracy ang pangalan nya. Gusto mo ba ipakilala kita?"

"Ha? Ah, eh. Tsaka na lang" sabi ni Gelo

"Woooo na-totorpe ka na pre noh?" kantyaw ni Dave

"Hindi ah" mabilis na tugon ni Gelo

.
.
.

Ang totoo ay nag-aalangan na si Gelo manligaw at magkaroon ulit ng girlfriend.

After ng relasyon nila ni Ally ay parang ayaw nya munang magka-girlfriend.

Siguro ay dahil medyo sariwa pa sa kanya ang sakit ng paghihiwalay nila ni Ally.

At maaring umaasa pa rin syang magkikita at magkakaayos ulit sila.
.
.
.

Habang naglalakad sila ay biglang nabunggo si Allan ni Owhyn na kasalukuyang nagmamadaling tumakbo.
"Ano ba" galit na reaksyon ni Owhyn "Haharang harang sa daanan"

"Ikaw kasi pre ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo" sabi ni Joel

"Aba at maangas kayo ah" sabi ni Owhyn "Hari ba kayo dito?"

"Hindi naman pero sinasabi lang namin ang totoo" sabi ni Ben

"Aba't papalag ba kayo ha?" galit na tugon ni Owhyn sabay tulak sa balikat ni Ben

Medyo nag-iinit na rin si Ben at tila susuntukin nito si Owhyn.

"Hey" awat ni Gelo "Wag nyo na patulan yan" sabi pa nito sa mga kaibigan "Pasensya ka na, pero wala naman kaming kasalanan sa pagkakabunggo mo sa amin" sabi pa ni Gelo kay Owhyn

Medyo nagulat si Owhyn nang makita si Gelo.

Parang hindi nito inaasahan na andun din sya.

Ilang minuto din sya napatitig kay Gelo bago nakaisip ng sasabihin nya.

Itinuon nya ang paningen sa mga kasama ni Gelo.

"Sa susunod kasi pag maglalakad kayo wag yung sakop nyo na yung buong daanan" sabi ni Owhyn sabay talikod.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon