Chapter Thirty Five

65 11 0
                                    

    Missing My Angel  


 "Gising na" bulong ni Oyence sa tenga ni Gelo sabay halik sa noo nito.

It's past 9am na nang magising si Oyence. Madaling araw na sila natulog kaya late na nagising si Oyence habang si Gelo ay kasarapan pa ng tulog. Nakatihaya ito ngunit nakapaling ang ulo nya paharap kay Oyence.

Pinagmasdan ni Oyence ang kasintahan habang hinahaplos ang mukha nito. Hinalikan niya ito sa labi.

Nang maramdaman ni Gelo ang paghalik sa labi nya ay nagising ito.

"Inaantok pa ako" sabi ni Gelo na pupungay-pungay pa ang mga mata.

"Kailangan mo na bumangon para maaga tayong makalibot sa buong resort" sabi ni Oyence.

"Ano'ng oras na ba?" tanong ni Gelo.

"Pasado alas nuebe na" sagot ni Oyence. "Tara na bumangon ka na"

"Mamaya na" tugon ni Gelo sabay talikod kay Oyence. "Inaantok pa ako"

"Bumangon ka dyan" sabi ni Oyence sabay hila sa comforter na nakabalot sa katawan ni Gelo. "Kailangan na natin mag-breakfast"

Biglang nag-ring ang telepono.

.

.

.

Tumayo si Oyence para sagutin ito.

"Hello, good morning" sabi ni Oyence.

"Good morning" sabi ng nasa kabilang linya. "Sorry if naistorbo ko tulog mo, but I wanted to ask if what do you want for your breakfast?"

"Who is this?" tanong ni Oyence. "Shawn?"

"Yes, At your service sir" sagot ng nasa kabilang line. "Please join us on our breakfast"

"Ahm sure" tugon ni Oyence.

"That would be great" sabi ni Shawn. "Savy is here with me"

"Oh that's great" tugon ni Oyence. "Sige gigisingin ko lang si Gelo tapos bababa na kami"

"Okay we'll waiting for you guys" sabi ni Shawn. "Bye"

"Okay bye" sabi ni Oyence sabay baba ng telepono at naglakad pabalik sa kama. "Okay kailangan mo na bumangon dyan, naghihintay sa atin sa baba si Shawn para sa breakfast"

Walang nagawa si Gelo kaya bumangon na ito at nagbihis.

.

.

.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Owhyn's PoV:

Sabado ng hapon, nakakainip sa bahay. Gusto kong gumala kasama si Gelo.

Bumaba ako sa sala para tawagan sya.

Nag-ring ang telepono nila.

After three rings ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello" sagot ng nasa kabilang linya, si Stefan

"Hello Stefan" tugon ko. "Si Owhyn ito"

"Oh kuya Owhyn napatawag ka?" tanong ni Stefan.

"Kuya Gelo mo, pwede makausap?" sabi ko.

"Wala sya eh" sagot ni Gelo.

"Ahhh ganun ba" sabi ko. "Saan sya nagpunta?"

"Nag-out of town daw sila sabi ni Mama" sagot ni Stefan.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon