Chapter Thirteen

229 25 2
                                    

Confusions Part 2: A beautiful nightmare.

"Hindi kita pwedeng ipagpalit sa iba. Hik! Ganon ka ka-importante sa akin tsong. Hik! Tandaan mo yan" sabi ng lasing na si Gelo.
Ito ang paulit ulit na pumapasok sa isip ni Oyence habang nakahiga sya at hindi dalawin ng antok. Di nya makalimutan ang gabing sinabi ito ni Gelo sa kanya. Habang iniisip nya ito ay parang gustong sumabog ng puso nya sa tuwa. Ngunit di nya mapigilan ang sarile na mapaluha kapag iniisip nya ang mga sumunod na sinabi ni Gelo nung gabi ding iyon.

===================================

Flashback:

After the championship ay nagpa-party ang mga managers ng team nila. Umulan ng pagkain at alak.

Patapos na ang party at sina Oyence at Gelo na lang ang naiwan sa gathering hall ng subdivision. Naglalakad na sila pauwe. Inaalalayan ni Oyence si Gelo na kasalukuyang nakaakbay sa kanya. Kumakanta kanta sila habang naglalakad.

"Tol kamusta na kayo ng girlfriend mo?" tanong ni Oyence

"Ahh yon, hik?" tugon ni Gelo "Wala na kami non"

"Kelan pa?" tanong muli ni Oyence

"Hik.... Two days ago" tugon ni Gelo

"Bakit kayo nagbreak?"

"Ahhh.... Hik... Selosa kasi yon eh" sagot ni Gelo

"Ganon talaga ang mga babae" sabi ni Oyence

"Oo alam ko na ganon talaga sila.... Hik" tugon ni Gelo "Pero di dapat lahat ng tao eh pagseselosan nila.... Hik"

"Baka naman kasi kung sino sino nakikita nya kasama mo"

"Eh ikaw lang naman lagi ko kasama eh...hik" sabi pa ni Gelo

Nang nasa tapat na sila ng gate ng bahay nina Oyence ay naupo muna sila sa gatter.

"Tsaka di ka nya dapat pagselosan...... Hik" pagpapatuloy ni Gelo "Di nya ako dapat pinapili sa inyong dalawa.....hik.... Kasi masasaktan lang sya... Hik"

"Ano ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Oyence

"Nagseselos kasi sya kasi lagi tayo magkasama.....Hik.....! Tapos sabi nya na pumili daw ako sa inyong dalawa... Hik..." Gelo paused "Sinubukan ko ipaliwanag sa kanya pero mapilit sya na dapat akong pumili sa inyong dalawa.... Kaya ayon sinabi ko sa kanya na di ko pwedeng ipagpalit yung matagal na nating pinagsamahan... Hik"

"Huh? Anong sabi nya?" tanong ni Oyence

"Hik... Haha... Wala sya sinabi" nakangiteng tugon ni Gelo "Sinampal nya ako sabay walk-out... Hik..."

"Di mo man lang hinabol?"

"Para ano pa? Sarado na isip nya.... Hik" tugon ni Gelo "Kung di nya kayang tanggapin na kaibigan kita, walang dahilan para ipagpatuloy namin yung relationship namin" seryosong tugon ni Gelo "Hindi kita pwedeng ipagpalit sa iba... Hik... Ganon ka kaimportante sa akin tsong.... Hik.... Tandaan mo yan" sabi ni Gelo sabay akbay sa kaibigan "Kuya kita, bestfriend, idol..... Hik.... Kaya walang pwedeng magdikta sa akin na layuan ka"

Walang naitugon si Oyence. Masaya sya sa narinig sa kaibigan.

===================================

Tuwing iniisip nya ang tagpong yon ay nais nyang itanong sa sarile kung ano ba dapat nyang gawin para mawala yung nararamdaman nya sa kaibigan. Gusto nyang sabihin ito kay Gelo, gusto nyang magbaka sakali na pareho sila ng nararamdaman. Ngunit sa isang banda ay natatakot sya na baka mali ang kanyang iniisip na pareho sila nang nararamdaman ni Gelo at baka layuan sya nito kapag nalaman ang totoo.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon