Chapter Twenty Nine

98 14 3
                                    

The Hearts that suffer for love

Owhyn's PoV:

"Hindi po ako makakapasok La" sabi ko sa Lola ko na pilit akong ginigising at pinapapasok.

Masama pa rin pakiramdam ko hanggang ngayon. Nag-start akong lagnatin kahapon.

Nakakainis nga eh. Pangalawang araw na ngayon na di ko makikita ang 'Anghel' ko. Bakit ba naman kasi dinapuan pa ako ng sakit.

"Dalhin na kaya kita sa ospital?" sabi ng makulit kong Lola

"La, simpleng lagnat lang to" sabi ko "Dito na lang ako sa bahay magpapahinga"

"O sya sige na, dito na kung dito" napipilitang pagsang-ayon ni Lola "Ikukuha lang kita ng almusal at nang makainom ka ng gamot"

Bumaba nga si Lola at pagbalik nya ay may dala syang tsamporado at gamot.

.
.
.

After ko uminom ng gamot ay nakaramdam na ako ng antok.

Natulog na ako.

.
.
.

Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin.

"Kuya Whyn" sabi ni Dennis habang nararamdaman kong hinihila nito ang kamay ko "Kuya"

Di ko pa talaga kaya bumangon.

"Dennis, di tayo pwede maglaro ngayon. Masakit katawan ko" sabi ko sa kanya at pupungas-pungas pa ang mata ko.

Nangungulit na naman ang batang ito

"Andito si kuya Gelo" sabi ni Dennis.

What?

Ang anghel ko nandito?

Tama ba pagkakarinig ko o nananaginip lang ako?

"Ha?" biglang nagising ang diwa ko "Asan?"

Pagkatanong ko ay sabay lingon ni Dennis sa bandang paanan ko.

No way!

Kidding me!

Wala sa loob ng kwarto ko si Gelo.

Please not now.

Not in this situation.

Dahan-dahan akong tumingin sa direksyon kung saan tumingen si Dennis.

At laking gulat ko na si Gelo nga ay nasa loob ng kwarto ko.

Waaaaah.

Nang makita ko sya ay kinuha ko ang kumot sabay takip sa katawan ko.

Naka-boxer lang ako at sando.

Bakit ngayon pa?

Di ako prepared.

"A--andyan ka pala?" sabi ko sa kanya na medyo nauutal utal pa "Napadalaw ka?"

"Ha.. ah.. eh.. May sakit ka daw?" tanong nya sa akin.

Syeeeeeet concern sya sa akin.

"Ah konting lagnat lang 'to" sabi ko "Paano mo nalaman may sakit ako?"

"Tumawag kasi Lolo mo eh at sinabi nya na may sakit ka nga daw" sagot nya

Haaaay naku si Lolo talaga. Inilagay pa ako sa alanganin.

Di man lang ako in-inform na papapuntahin nya dito si Gelo para nakapaglinis man lang ako ng kwarto. At nang nakapaligo muna ako.

.
.
.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon