The two MVPs
"Good luck sayo tol" sabe ni Gelo kay Oyence
Aatend ang dalawa sa awarding ceremony for the yearly Basketball League na inter-village. Magka-teamate ang dalawa at they represent Christian Village. Kakampi nila sina Ed, Luigi, Jeff, Jules at ibang mga taga-village nila. Pasok na sila sa Top 4 crossover. Number 1 sila sa bracket nila at makakalaban nila yung number 2 team sa kabilang Bracket. Halos gabi gabi silang nag-lalaro. Kundi actual game ay practice game. Ngayong araw ang do or die game. Meron silang twice to beat advantage sa kalaban dahil number 1 team sila. Isang panalo lang ang kailangan nila para makapasok sa Best of 3 Finals.
8PM ang simula ng laro nila. Pero may awarding munang magaganap. Ito ay pagbibigay ng parangal sa mga natatanging manlalaro ngayong taon. Last year ay kasama sa Mythical Five si Oyence pero bigo silang makapasok sa Final four. This is the third year na maglalaro sya sa ligang ito na taon taon ginaganap. Nanalo syang Rookie of the Year two years ago. At ngayon ay front runner sya para sa MVP award. Mahigpit nyang kalaban para sa award ay walang iba kundi ang teamate nyang si Gelo. This is Gelo's first year sa ligang ito. Sya ang pinakabatang player na na-nominate bilang MVP. He is talk of the town pag dating sa larangan ng basketball. Halos kasing sikat na nya si Oyence. Kilala kasi si Oyence ng halos lahat ng taong mahilig sa basketball in this town. Lalo na ang mga manlalarong sumasali sa ganitong klase ng liga. Kung dati ay si Oyence ang pinaghahandaan ng makakalaban nila. Ngayon ay pati si Gelo ay pinaghahandaan na rin. Sabi ng mga magagaling na coach ay ang tandem nilang dalawa ang pinakamahirap talunin. Matunog na mananalo para sa Rookie of the Year award ay si Gelo. At sya ang maaring tumalo kay Oyence for MVP this year.
"Good luck din sayo" tugon ni Oyence
"Sigurado ako na ikaw na ang MVP tsong" pa-humble na sabi ni Gelo "Wala ako sa kalingkingan mo"
"Kung wala ka sa kalingkingan ko, bakit isa ka sa nominees?" katwiran ni Oyence "Ibig sabihin lang non na magaling ka din"
"Haha marami pa ako bigas na kakainin kumpara sayo" sabi ni Gelo
"Matakaw ka talaga. Gusto mo ikaw lang ang kakain" biro ni Oyence
"Hahahaha" tawa ni Gelo
Maya maya ay may kumatok sa kwarto ni Oyence. Pagbukas ng pinto ay Daddy ni Oyence.
"Ano ready na ba kayong dalawa?" tanong nito "Tara na"
Pumunta na nga sila sa Plaza para sa Venue ng awarding. Katabi lang nito ang auditorium kung saan gaganapin ang do or die game.
Pag dating nila doon ay ready na ang stage. Madami na rin ang mga taong dadalo sa awarding.
Nagsimula na nga ang program at pamimigay ng award.
Next award ay ang Rookie of the Year. Ang award na ito ay ibinibigay sa pinakamahusay na bagitong manlalaro ng taon. Ipinakilala na Host/MC ang mga nominado at ng banggitin ang pangalan ni Gelo ay palakpakan at hiyawan ang mga tao. Di na nagpaligoy ligoy pa ang MC at ina-nounce na nga nya ang pangalan ni Gelo bilang Rookie of the Year. Palakpakan ang mga tao nang marinig ang pangalan ni Gelo lalong lalo na ang mga teamate nito. Umakyat sya ng stage para kunin ang plaque.
Ang sunod na ina-nounce ay ang Defensive Five. Ito ay parangal sa limang manlalarong magagaling dumipensa. Kasama sa awardee ay si Gelo para sa Point Guard Position, Oyence for Small Forward at Ed for Center para sa team ng Christian Village. Yung dalawang player na napasama sa awardees ay mula sa ibang Village. At ang Most Defensive Player of the Year ay iginawad sa pinakamagaling sa kanilang lima. Unfortunately ay iginawad ang award sa player mula sa ibang Village.
Sunod na award ay ang Coach of the Year. Award sa pinakamahusay na coach. Ito ay napanalunan ng Daddy ni Oyence.
Next award ay ang Mythical Five. Ito ay iginagawad sa limang pinakamahuhusay na manlalaro ng taon. Sa lima ring ito kukunin ang mananalo ng main award w/c is MVP of the Year. Sa Christian Village ay si Oyence at Gelo ang mapasama sa awardees.
BINABASA MO ANG
Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)
RomanceThe story is based on true events pero ang mga pangalan at lugar na ginamit dito ay kathang isip lamang para maitago ang tunay na katauhan ng mga pangunahing personalidad ng storya na ito na base sa tunay na buhay. The Color Gray The color of detach...