Chapter Fourteen

120 23 0
                                    

Almost a confession

"Papasok na ako sa kwarto Oyence" sabe ni Gelo "Kapag nagbago isip mo at dito ka na matutulog pasok ka na lang sa kwarto"

Alam ni Gelo na galit si Oyence dahil di ito kumikibo at kung kumibo man ay matipid lang at tila pilit pa.

"Matulog ka na" tugon ni Oyence "Pag tapos ng game uuwi na din ako"

Di na nagsalita si Gelo at pumasok na lang sya sa kwarto nya.

Habang nasa kwarto nya at nakahiga ay iniisip nya kung ano ba nagawa nya mali. Alam nya na mali yung pag-uwi nya ng di tama sa napagkasunduan nila ng Mama nya. Pero ang hindi nya maintindihan ay kung bakit galit si Oyence. Hindi nya alam kung ano ba nagawa nyang mali sa kaibigan. Kahit gusto nya humingi ng sorry ay hindi nya magawa dahil hindi nya alam kung para saan yung paghingi nya ng sorry. Umaasa na lang sya na magbago isip nito at dun na ito matutulog.

After 25 minutes ay bumukas ang pinto ng kwarto nya. Akala nya ay si Oyence ang nagbukas ng pinto. Ngunit ang bunso nya ng kapatid na si Stefan ang pumasok.

"Tapos na ba?" tanong ni Gelo sa kapatid

"Tapos na" sagot ni Stefan

"Si Oyence, umuwi na ba?" tanong muli ni Gelo

"Kakaalis alis lang" tugon ni Stefan

Tumayo si Gelo sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Pag labas nya ay nakita nya lang na nasa sala ay si Damon.

Agad nyang tinungo ang pinto para lumabas para sundan si Oyence.

Pag labas nya ay di nya na nakita si Oyence kaya naglakad na sya ng mabilis para maabutan ang kaibigan.

Pag labas nya ng compound ay natanaw na nya ang kaibigan. Naglalakad, nakayuko, dahan dahan ang lakad habang naka-pa-mulsa. Malungkot ang aura nito. Gusto nya ito habulin at tanungin kung bakit, ngunit hinayaan nya lang ito at sya naman ay nagdesisyon nang maglakad pabalik sa bahay nila.

Habang pabalik sya ay napatigil sya sa paglalakad. Iniisip nya na hindi maaayos ang lahat kung hindi nya hahabulin si Oyence at tanungin kung bakit ito galit.

Muli syang naglakad papalabas ng compound. Nang nasa kanto na sya ay di nya na matanaw si Oyence. Tumakbo sya para habulin ito at baka sakaling maabutan nya pa ang kaibigan.

Nang nasa harap na sya ng subdivision.....
"Manong nakita nyo ba si Oyence?" hingal na tanong nya sa guard.

"Ah oo kakadaan lang" sagot ng gwardiya "Maabutan mo pa yon"

"Sige po salamat" tugon nya sabay takbo papasok ng subdivision.

Mas binilisan nya pa ang takbo nya.

Nang malapit na sya sa bahay nina Oyence ay natanaw na nya ang kaibigan na naglalakad palapit sa gate ng bahay nito.

Naglakad na sya palapit kay Oyence dahil mabagal naman ang lakad nito kaya alam nya na maabutan nya na ito.

Malapit na si Oyence sa gate at sya naman ay halos nasa likod na ng kaibigan.

Nang pipindutin na ni Oyence ang doorbell ay agad nyang pinigil ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.

==========================================================================

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Oyence "Akala ko ba matutulog ka na?"

Hawak pa rin ni Gelo ang kamay nya. Di ito agad sumagot at nakatitig pa rin sa kanya.

Hinila nya ang kamay nya sa pagkakakapit ni Gelo.

Purely Heart Presents: The Color of Love is Gray (Book one) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon