[25]

530 19 7
                                    




"I freaking told you to not come here! Why are you so makulit?!"


Nagulat ako nang sigawan ni Trina ang bagong dating na lalaki. Natahimik kaming lahat, hindi makagalaw sa pwesto dahil parang nagkaroon ng matinding tensyon nang makalapit ang lalaki. Tinanggal ng lalaki ang shades niya tapos nakangising tumingin kay Trina.


"Wala bang 'It's nice to see you' dyan?" mayabang nitong tanong.


Trina just scoffed in annoyance. "I don't want to see you nga, eh!" Trina grunted, lumapit pa siya sa lalaki pagkatapos ay biglang tinulak ang dibdib para paalisin. Nag-aalala tuloy kami kung dapat ba naming pigilan si Trina sa ginagawa.


Natatawang pinigilan lang ng lalaki ang mga tulak ni Trina. "Stop it, babe."


Narinig kong mahinang nagmura si Albie na nasa may likuran ko. Parang alam ko na agad kung sino 'tong lalaki na nasa harapan namin ngayon. Base sa asta niya, malaking parte siya sa buhay ni Trina. He speaks with arrogance and at the same time, he looked rich and powerful.


"Anong ginagawa mo dito, Freo?" tanong ni Ericka. Lahat tuloy kami napatingin sa kanya dahil kilala niya ang lalaking kausap ni Trina. Aawatin ko sana si Ericka na huwag nang makisali sa away pero mukhang kilalang-kilala niya itong lalaki sa harap namin.


Napaawang ang labi nung Freo nang makita si Ericka. Natatawang umiling siya na parang hindi makapaniwala sa nakita. Tinuro niya si Ericka at si Trina. "You guys knew each other?" manghang tanong niya.


"Ako ang unang nagtanong," malamig na sagot ni Ericka. Parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nanatiling natigilan lang si Trina nang marealize na magkakilala si Ericka at Freo.


Freo chuckled. "Well, I'm here to check on my fiancé."


Sinasabi ko na nga ba. Mukhang natigilan din si Ericka sa narinig mula kay Freo. Samantalang inis na inis naman si Trina na nagawa pang ibulgar ni Freo sa aming lahat na siya ang fiancé ni Trina.


Sarkastikong ngumiti si Ericka. "Ah. . ." Hindi makapaniwalang tumingin si Ericka kay Trina. "Pumayag ka na makasal dito?" nanunuyang sabi niya.


Freo looked away, slightly annoyed with Ericka. Inis siyang nagpakawala ng tawa. Hinawakan ko si Ericka para pigilin sa kung ano mang sasabihin. Hindi dapat nagkakagulo ngayon. Kung gusto nilang mag-usap ni Trina, mag-usap sila nang pribado. Tiningnan lang ni Ericka ang kamay ko na nasa may braso niya. Umiling lang siya sa akin.


Tumikhim si Trina, tila pilit na kinalma ang sarili sa pagkainis kay Freo. "Uh. . . guys, this is Freo, my fiancé. I was arranged marriage to him." Yumuko siya pagkatapos niyang sabihin 'yun. Sinulyapan ko ang utol kong si Albie na nag-iwas ng tingin sa dalawa na nasa harap. Si Yenna, mukhang nag-aalala para sa kaibigan; si Ericka, mukhang inis pa rin kay Freo sa hindi namin malamang dahilan. Habang wala namang imik na nakikinig lang si Ethan, Michelle at Nico.


Ngumiti nang malaki si Freo tapos kumaway sa amin. "'Zup," maangas n'yang bati. Tinanguan ko lang siya nang dumako ang tingin sa akin. Nang dumaan ang tingin kay Ericka, ngumisi siya. "If you guys are curious how Ericka and I knew each other, well. . . she's my ex-girlfriend. 'Di ba, Ecka?"


Napaawang ang labi ko sa narinig. Mukhang hindi rin lang ako ang nagulat dahil pati mismo si Trina ay malaki ang mata na nakatingin kay Freo. Nakita kong mahinang nagmura pa si Ericka dahil sa sinabi niya. Mabilis siyang nagbawi ng nanunuyang ngiti nang balingan si Freo. "Yup," she said, emphasizing the 'p.' "Unfortunately," tunog disappointed na dagdag pa niya. I'm guessing bad break-up 'tong dalawa. Parang mga mag-ex sa telenobela na bitter pa rin sa isa't-isa, e. Napailing na lang ako.


The Girl He Bumped IntoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon